ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | July 15, 2020
May natural na paraan daw tayong magagawa para mahasa ang ating isipan para tumalas ang memorya o alaala, makatulog nang mahimbing at hindi masyadong ma-stress sa pamamagitan lang daw ng paggamit ng ehersisyo sa mga mata.
“Natuklasan sa pamamagitan ng EEG’s sa pagsusuri na ang electrical activity sa utak, na sa pamamagitan ng pagkilos ng mga mata ay nakaaapekto sa pagkilos ng isipan kung may mga nais gawin,” paliwanag ng Marimack College psychology professor Ruth Propper, Ph.D.
Ang dahilan, ang optic nerve ay direktang nakakonekta sa utak. Agarang mapag-iibayo ang pagka-alerto, paglikha ng alaala at kasiyahan sa pamamagitan ng simpleng kilos ng eyeballs. Heto ang mga paraan para mabenepisyuhan ng pinakahuling siyentipikong pag-aaral:
1. UPANG MAS MAGING ALERTO. Tumitig sa isang bagay na 20 feet ang layo. Ipinakita sa pag-aaral na ang pagtitig sa bagay na may 20 talampakan ang layo sa isang segundo lang at pagkaraan ay pagtitig sa isang bagay na mas malapit pa ay nagsisimula nang maging responsable ang utak na umalerto at maging aktibo. Kaya kung mapapansin ang sarili sa paggising sa umaga ay para kang tulala at tumitingin sa malayo ay dahil inuutos mismo ito ng utak para sa pagsisimula ng iyong aktibong umaga.
Inuutos din ng mga instructor sa kanilang mga student driver na gamitin ang trick na ito upang hindi mahilo habang nagmamaneho. Gawin ito nang ilang beses hanggang sa maramdaman mong umaalerto ka, anang mananaliksik na si Jim George.
Narerelaks nito ang iba pang masel ng mga mata, ito na rin ang perpektong paraan para malabanan ang pagkaantok, lalo na kung nakaharap sa computer para lagi kang alerto at hindi napapapikit.
2. PARA MAS MAGING CREATIVE. Tingnan ang kanang paitaas na bagay. Napansin n’yo ba na ang mga bata ay tumitingin sa dakong kanan pataas kapag sila ay may nais na imbentuhing kuwento? ‘Yan ay dahil awtomatiko nilang ginagamit ang parte ng kanilang utak para makalikha ng mga gagawin at ideya, ani George.
Magagawa mo rin ang mga naturang bagay kapag may iisipin kang solusyon sa problema, iisip ng mga iimbentuhing kuwento para maaliw ang mga bata.
NOTE: Ang kilos na ito ay para sa right handed na tao, kung ikaw ay left handed, simpleng gawin ito sa kabilang bahagi, kanan sa halip na sa kaliwa o vice-versa, dahil ang iyong brain hemisphere ay magkasalungat.
3. PANLABAN SA STRESS. Tumitig sa isang bagay. Ituon lamang ang mga mata sa isang bahagi ng silid gaya ng larawan sa dingding o halaman. “Magkonsentra sa pagtitig dito,” ayon kay meditation expert Lisa McKay. Kung tutuon ka sa isang imahe, naglalabas ang utak na banayad na alpha waves, ang parehong waves na siyang magpapahila sa ‘yo para makatulog agad.
4. UPANG MADALING MAKATULOG NANG MAHIMBING. Tumingin muna sa kisame. “Habang nakahiga, ipikit ang mga mata at paikutin ang eyeballs saanmang dako ng silid at saka parang nakatingin ka sa isang dako ng iyong noo,” ani George.
Itinala ng EEG’s na kapag ang mga mata ay nakatingin na parang pabalik sa kanyang noo, bumilang nang pabalik mula 100 nang dahan-dahan, huminga nang malalim at sabihin na relaks ka sa bawat bilang. Marami ang nakakatulog agad habang hindi pa tapos ang pagbibilang ng hanggang 95, ani George.
5. UPANG MAKAALALA NG ISANG BAGAY. Tumitig sa itaas na kaliwang bahagi. Ayon sa brain scans na ang pagkilos ng mga mata sa kaliwa pataas ay nagpapaaktibo sa parte ng utak na responsable sa biswal na memorya. “Napag-alaman namin sa pag-aaral na kung ang mga mata ay kumilos sa parte na ‘yun, nagsisikap ka na maalala ang isang bagay,” ani George. Kaya ‘pag ganito ang gagawin, mas madali mong maalala kung saan mo naiwanan ang iyong cellphone o susi.
6. UPANG LUMAKAS ANG ISIPAN. Pakilusin nang pabalik-balik ang eyeballs. “Ang pagkilos ng mata na pahalang na pabalik-balik ay natutulungan nito ang dalawang parte ng utak na maging aktibo para mapalakas ang koneksiyon ng bawat isa,” paliwanag ng sikologo na si Stephen Christman, Ph. D. University of Toledo.
At ayon sa pagsasaliksik na ang pagkilos sa bawat parte ng utak, ang lohikal na kaliwa at madamdaming kanan ay nagpapaibayo sa kapasidad na matuto, bilis ng pagbabasa at kakayahan sa pakikipag-usap. Kaya pakilusin ang mga mata mula sa kaliwa-pakanan sa loob ng 30 segundo bago gumawa ng presentasyon, pagsasalita sa harap ng maraming tao, panayam at test.
Comments