ni Angela Fernando @News | April 29, 2024
Sinimulan ng mga driver at operator ng jeepney na kumukontra sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng pamahalaan ang kanilang tatlong-araw na malawakang tigil-pasada at strike nitong Lunes.
Maraming mga komyuter ang apektado at nahirapang sumakay ng mga jeep dahil sa nasabing strike.
Umaabot sa 50 na driver na kasapi ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) ang nag-park ng kanilang mga jeep sa Service Road ng Roxas Boulevard malapit sa Baclaran Church.
Iginiit nilang hindi nila tutumbukin ang kanilang ruta mula Baclaran patungong Divisoria at pabalik.
Samantala, nakaantabay ang miyembro ng Southern Police District sa lugar upang tiyakin ang kapayapaan at kaayusan ng protesta.
Comments