@Editorial | August 24, 2021
Kahit ibinaba na sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila, tuloy ang pag-inspeksiyon ng Highway Patrol Group (HPG) ng Philippine National Police sa mga pampublikong sasakyan.
Kaugnay nito, masa limang UV Express ang nahuli dahil sa overloading.
Sa ngayon, hanggang 50 porsiyento lang ng kapasidad ng mga pampublikong sasakyan ang pinapayagan upang masunod ang health protocols kontra-COVID-19.
Gayunman, may ilang drayber na aminadong nagsasakay nang sobra dahil walang natanggap na ayuda, kaya kailangang kumita. Sa kabila nito, tiniketan pa rin ng mga awtoridad ang mga driver na lumabag.
Sa gitna ng pandemya, talagang nagtatalo ang kagustuhan nating makaiwas sa banta ng sakit at ang maka-survive sa pang-araw-araw na pangangailangan.
Mahirap sabihin sa mga drayber na unahin ang laban sa COVID-19, kung kumakalam naman ang sikmura nilang mag-anak.
Sa palagay natin, walang ibang higit na makapagpapaunawa nito sa kanila kundi ang ating pamahalaan. Patuloy din ang apela na kung may pondo pa naman na puwedeng ipang-ayuda ay ibigay na.
Comments