top of page
Search
BULGAR

Mga doctor hinamong tuklasin ang katotohanan sa tobacco harm reduction*

ni Chit Luna @Brand Zone | February 29, 2024





Hinamon ng mga tagapagtaguyod ng tobacco harm reduction (THR) ang kanilang mga kasamahan sa medical na propesyon na magtulungan sa pagbibigay ng mga siyentipikong impormasyon tungkol sa THR at ang mahalagang papel nito sa pagtigil ng paninigarilyo sa buong mundo.


Ayon kay Dr. Konstantinos Farsalinos, isang cardiologist, eksperto sa kalusugan ng publiko at mananaliksik sa University of Patras at University of West Attica sa Greece, may mataas na antas ng maling impormasyon tungkol sa THR at nikotina ang kumakalat sa komunidad ng pangangalaga sa kalusugan.


Maraming doktor ang hindi nauunawaan na ang masamang epekto ng pagsunog ng sigarilyo ay milya-milya ang layo sa minimal na panganib sa kalusugan ng nikotina, sabi ni Dr. Farsalinos.


Dagdag pa niya, kailangang kumbinsihin ang mga doktor tungkol sa agham sa likod ng THR, dahil itinuturing silang mapagkakatiwalaan sa pamamahagi ng impormasyon sa kalusugan ng publiko.


“We need to convince doctors about the science behind THR, as they are considered credible sources of health information by the general public,” sabi ni Dr. Farsalinos.

Sinuportahan ito ni Dr. Rohan Sequeira, isang cardio-metabolic physician sa Sir JJ Hospital at medical director sa St. Elizabeth Hospital Mumbai, na nagsabing ang impormasyon tungkol sa mga smoke-free alternatives ay hindi available sa buong komunidad ng medisina.


May ilang doktor pa nga ang naniniwala na mas mabuti ang paninigarilyo kaysa vaping dahil hindi nila nauunawaan ang pagkakaiba ng usok mula sa sigarilyo at aerosols mula sa vapes, sabi ni Dr. Sequeira.


Binigyang diin ni Dr. Sequeira ang kahalagahan ng edukasyon ng mga doktor at pagbibigay sa kanila ng tamang impormasyon tungkol sa mga vapes at iba pang produktong nikotina.


Ang mga vapes, heated tobacco products (HTPs) at oral nicotine ay itinuturing na mga produkto ng THR na hindi naglalabas ng usok na nagtataglay na nakakasama at potensiyal na nakakasamang kemikal,

Sinuportahab naman ni Dr. Lorenzo Mata Jr., isang tagapagtaguyod ng THR sa Pilipinas at occupational medicine physician, ang mga pahayag nina Dr. Farsalinos at Dr. Sequeira.


“Tinatawagan ko ang mga tagapagtanggol ng THR at iba pang mga may kaalaman sa pangangalaga sa kalusugan sa Pilipinas na magkaisa sa pagbibigay sa mga doktor ng mga siyentipikong katotohanan tungkol sa THR at kung paano ito makatutulong sa milyun-milyong Pilipino na tumigil sa paninigarilyo sa pamamagitan ng mga alternatibong produkto,” sabi ni Dr. Mata na pangulo ng Quit for Good, isang non-profit, non-stock na organisasyon na nagtataguyod ng harm reduction bilang isang makabuluhang estratehiya para mabawasan ang pinsala sa kalusugan ng tao at lipunan dulot ng sigarilyo.


Ang THR ay isang pampublikong estratehiya sa kalusugan na layuning magbigay ng mas ligtas na alternatibo upang mabawasan ang pinsala ng sigarilyo at magbigay ng nikotina sa mga taong hindi kaya o ayaw tumigil sa paninigarilyo.

Kasama rito ang iba't ibang mga praktikal na patakaran, regulasyon at aksyon na nagpapababa ng panganib sa kalusugan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas ligtas na mga produkto.


Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas ligtas na mga produktong nikotina, nag-aalok ang THR ng mga bagong pagpipilian sa milyun-milyong tao sa buong mundo na nais lumipat mula sa paninigarilyo.


Sinabi ni Dr. Mata na bilang mga respetadong eksperto sa medisina at mapagkakatiwalaang pinagmumulan ng impormasyon sa kalusugan, mahalagang papel ang ginagampanan ng mga doktor sa pagtulong sa mga tao na tumigil sa paninigarilyo.


Ang mga doktor ay maaaring magbigay ng mga payo sa mga pasyente na tumigil sa paninigarilyo, mag-alok ng maikling counseling, magreseta ng mga gamot para sa pagtigil sa paninigarilyo, ikonekta sila sa karagdagang mga mapagkukunan para sa pagtigil sa paninigarilyo at magpatuloy sa suporta para maiwasan ang pagbabalik sa dating gawi, dagdag niya.


Isang survey ang nagpatunay na may malawak na maling impormasyon tungkol sa vaping, at maraming mamimili at doktor ang nalilito at napagkakamalang ang nikotina ang sanhi ng iba't ibang sakit na dulot ng paninigarilyo.


Ang maling impormasyon na ito ay pumipigil sa maraming naninigarilyo na lumipat sa vaping at sa mga doktor na magrekomenda na mas ampat na impormasyon para sa kalusugan ng publiko, ayon pa kay Dr. Mata.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page