ni Angela Fernando @World News | Nov. 16, 2024
Image: Circulated-Mikhail Tereshchenko-Sputnik-Reuters
Nanawagan ang mga democratics na sina Sen. Jeanne Shaheen, miyembro ng Foreign Relations Committee, at Sen. Jack Reed, pinuno ng Senate Armed Services Committee, kay U.S. Attorney General Merrick Garland at sa inspector general ng Pentagon na imbestigahan ang ulat ng pakikipag-usap ni Elon Musk sa mga opisyal ng Russia, pati na rin kay Pangulong Vladimir Putin.
Ang imbestigasyon ay inihihirit dahil sa mga potensyal na banta sa pambansang seguridad na dulot ng mga nasabing pakikipag-usap.
Dahil sa ulat, lumobo ang mga pangamba, lalo na’t malaki ang papel ni Musk sa mga proyektong may kaugnayan sa seguridad ng United States (US) sa pamamagitan ng kanyang kumpanya na SpaceX.
Binigyang-diin ng mga senador na dapat suriin ang papel ni Musk sa mga programang SpaceX na may kaugnayan sa kaligtasan ng bansa para sa posibleng debarment o pag-aalis ng karapatan sa mga kontrata at pribilehiyo ng gobyerno.
Magugunitang umugong ang isyu sa US nu'ng Oktubre kung saan nagkaroon ng sinasabing ugnayan at tawag si Musk sa mga opisyal ng Russia.
Comments