ni Julie Bonifacio - @Winner | July 12, 2021
Pagkaganda-ganda ng ASAP Natin ‘To last Sunday. Malulula ka sa dami ng mga naglalakihan at pinakamaningning na Kapamilya idols.
Dahil d’yan, umapaw ang pagbati mula sa mga manonood sa free TV at mula sa mga netizens. Pang-world-class din kasi talaga ang performers at production value ng ASAP Natin ‘To.
In fact, nag-number one top trending topic sa Twitter ang #ASAPKapamilyaForever.
Marami rin ang nasorpresa sa pag-apir sa ASAP Natin ‘To nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo na naghatid ng madamdaming mensahe para sa mga solid Kapamilya viewers.
Mensahe ni Piolo sa mga Kapamilya, “Your support and your trust will always be an inspiration for us to continue to be in the service of the Filipino.”
Matagal ding naging host si Piolo sa ASAP, pero nawala siya sa Kapamilya Sunday musical show at naging host sa katapat na programa sa TV5 for one season.
Dahil sa pag-apir muli ni Piolo sa ASAP, hiling ng mga netizens na bumalik na siya sa Kapamilya Sunday musical show.
“Sana makabalik na sina Piolo at Sarah sa asap...”
“Miss ko na kayo, sana soon makita na kayo sa Asap... asap.”
But as usual, hindi rin nakaligtas si Piolo sa mga bashers.
“Sana, panghawakan nila 'yan. Baka magulat lang din naman tayo at nandu'n na sa kabila! Basta: #KapamilyaForever"
“Kahit mga DDS kayo, (3 heart emojis) pa rin. Sana, magising na kayo. Kapamilya pa rin SILA...”
Eto naman ang mensahe ni Sarah sa ipinalabas na video niya sa ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel, TV5 at A2Z last Sunday, “Hindi kami magsasawang paulit-ulit kayong pasalamatan dahil paulit-ulit n'yo ring pinapatunayan na ang magka-Kapamilya, hindi nag-iiwanan.”
Hopefuly, naibsan nito ang pagdududa ng iba na iiwan na rin ni Sarah ang ABS-CBN.
ABS-CBN pays tribute and expresses its gratitude to Filipinos sa patuloy na tiwala at suporta na ibinibigay nila sa network sa gitna ng kinakaharap nitong challenges through its new thanksgiving campaign Andito Kami Dahil Sa Inyo na ini-launch sa It's Showtime noong Sabado, July 10.
Kasama sa thanksgiving party ng ABS-CBN na ginanap sa ASAP Natin ‘To sina Vice Ganda, Daniel Padilla, Liza Soberano, Enrique Gil, Erich Gonzales, Joshua Garcia, and many more.
May special dance performance ng top Tiktok hits ang Star Magic artists at ASAP dance royalty na si Kim Chiu, Jane Oineza, Heaven Peralejo, Maris Racal, Vivoree Esclito and Maymay Entrata.
Naaliw kami sa ASAP Transformation dahil ang mga heartthrobs na sina Robi Domingo, Iñigo Pascual, Kyle Echarri, Darren, and OPM hitmaker Ogie Alcasid ay nag-transform bilang Hagibis members.
Bonggacious ang prod number ni Vice Ganda and at the same time, marami ang na-touch sa mensaheng ibinigay niya pati na ang madamdaming pagkanta niya ng hit song ni Ice Seguerra na Ano’ng Nangyari sa Ating Dalawa?
Pahayag ni Vice, “Kapamilya, anuman ang mangyari, sama-sama tayong aahon.”Comment ng mga netizens:
“From the start to end, nakaka-touch at nakakaiyak. Kapamilya Forever."
“Nakakaiyak. Naiyak ako kay Vice. Grabe! Laban ABS-CBN! 'Wag bibitiw dahil kami, hindi rin kami bibitiw para sa ABS-CBN KAPAMILYA forever. We love you always.”
ABS-CBN's tribute to its supporters culminates with a heartwarming performance of "Kapamilya Forever" from the country's finest singers Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Nyoy Volante, Jed Madela, Jason Dy, Erik Santos, Angeline Quinto, Klarisse de Guzman, Gigi de Lana, Elaine Duran, Lara Maigue, Rachel Alejandro and Regine Velasquez together with the biggest and brightest Kapamilya stars.
Komentar