top of page
Search
BULGAR

Mga dating kasama, bye-bye na raw… KRIS, GUSTONG MAGING CO-HOST SA VLOG NI OGIE

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 7, 2024


Showbiz news
Photo: Kris Aquino & Ogie Diaz / IG

Sa pagbabalik ni Kris Aquino sa Setyembre ay ang kanyang health ang prayoridad niya at kapag umokey-okey na siya ay posible siyang mag-work pa rin.


Ito ang isa sa napag-usapan nina Kris at Ogie Diaz sa vlog nitong Showbiz Update na hanggang ngayon ay tumataas ang views sa YouTube channel na umabot na sa 3.9 Million.


Tanong ni Ogie, “‘Pag ikaw ba nalagpasan mo itong pagsubok Mare, makikita ka ba o mapapanood muli nila si Kris Aquino sa TV?”


“Behind the scenes, yes!  Hindi na ‘yung front and center kasi I don’t think kaya pa ng katawan ko,” sagot ni Kris.


Biglang hirit nito kay Ogie, “Well, kung papayagan mo ako na puwede tayong mag-host together, Hahaha. Kaya ‘yung mga kasama mo (Mama Loi, Dyosa Pockoh, Ate Mrena, Tita Jegs) bye, Hahaha.”


Nagkatawanan ng husto sina Ogie at Kris.


Pero sabi ni Bimby, “We love you mama Loi, we love you.”


Sabi ulit ng ina ng bagets, “Just once a week! ‘Di ko naman kaya ang daily, Bimb.”

“Ah okay,” say naman ng bunsong anak ng Queen of Social Media.


Parang nakikinita naming na biglang kinabahan sina mama Loi at Dyosa Pockoh sa lambing ni Kris kay Ogie na paglaanan siya ng isang araw sa Showbiz Update vlog nila.


“Para tayong The View (American talk show). Alam mo ‘yung The View rito?  Whoopi Goldberg (kasama rin sina Joy Behar, Sunny Hostin, Sara Haines, Alyssa Farah Griffin at Ana Navarro).


“Uupo lang sila tapos mago-opinyon na sila and kuwentuhan sila and all.  Tapos meron silang hot topics kung ano ‘yung nangyayari sa mundo that day ganu’n lang.  Fun ‘yun gusto ko lang mag-enjoy,” paglalarawan ni Kris kay Ogie kung ano ang mechanics ng The View.


At kaya si Ogie ang gusto ni Kris, “Kasi, hindi ka mean sa mga tao.”


Hirit ni Bimb, “Tito Ogie you’re very fair. In fairness talaga, number one quality that’s why I watched you, eh kasi fair na fair ka.”


Pambubukelya ni Kris ay ‘Marites’ ang bunsong anak, “S’ya ang naga-update sa ‘kin ng mga nangyayari, s’ya ang nagsasabi.”


“Yeah, I call mom, ‘Ma you know this one and this one, Dadada…,” muwestra ni Bimby kapag nagre-report siya ng napag-usapan nina Ogie at Mama Lois sa Showbiz Update.


“Sabi ko nga, Bimb, don’t be so tsismoso! sabi n’ya (Bimb), “I’m not mama, Tito Ogie said.  Hindi raw s’ya tsismoso kasi galing daw sa ‘yo,” kuwento ni Kris.


Mukhang magandang tandem nga sina Ogie Diaz at Kris Aquino sa isang talk show. Sana nga ay matuloy dahil tiyak na mas maraming tsikang dagdag din ang huli sa topic nila.




0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page