top of page
Search
  • BULGAR

Mga dapat tandaan sa pagpili ng boylet

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | July 2, 2024



Dear Maestro,


Naghiwalay kami ng boyfriend ko, dahil palagi kaming nagtatalo kahit na sa maliliit na bagay. Nakipag-break ako sa kanya, dahil naisip ko hindi na ako masaya sa kanya at siguro nga hindi kami para sa isa’t isa. Kaya tulad ng dati, single na naman ako. Kaya lang, malungkot pala talaga ang walang boyfriend ‘no? Nakasanayan ko na kasi na palaging may kasama at alalay sa lahat ng lakad ko. Maestro, kailan kaya muli ako magkaka-boyfriend? Kapag nagka-boyfriend ba muli ako, pangmatagalan na kaya ito? Ang birthday ko ay June 2, 1999.

Umaasa,Lyn ng San Isidro, La Paz, Tarlac


 

Dear Lyn,


Hindi ka dapat malungkot kahit na naghiwalay kayo ng ex-boyfriend mo, at nakasanayan mong palagi may kasama o alalay, dahil puwede ka na muling mag-boyfriend.


Ayon sa zodiac sign mong Gemini, sa taong ding ito ng 2024, tiyak na magkaka-boyfriend ka na, at ang magiging boyfriend mo ang magdadala sa iyo sa tunay at wagas na ligaya.


Samantala para ma-sure na tatagal at liligaya ka sa susunod mong pakikipagrelasyon, kailangan ang zodiac sign ng lalaking iibigin at mamahalin mo ay isang Aquarius, Libra o Gemini, na may birth date na 7, 16, 5, 1, 10, 19, 28, 2, 11, 20, at 29.


Sila ang mga ka-compatible mo, kaya sa piling ng mga lalaking nabanggit, tiyak ang magaganap, makakasumpong ka na ng isang maligaya at panghabambuhay na pag-ibig na maaaring humantong sa mas maunlad na pag-aasawa.


Ayon sa iyong Love Calendar, ngayong 2024, magkaka-boyfriend ka na, at sa pagsapit ng taong 2025, mauuwi na rin ang relasyon n’yo sa isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page