ni Mharose Almirañez | May 29, 2022
“Hiyangan lamang ang skin care,” sabi nila.
Agree naman ako r’yan, beshie. Pero knows mo bang puwede mo rin namang malaman ang hiyang na produkto sa ‘yo kung aalamin mo lamang ang iyong skin type? Yes, beshie, tama ang nababasa mo.
Kaya kung baguhan ka pa lamang sa pag-i-skin care, narito ang mga pangunahing impormasyon na dapat mong malaman before ka mag-hoard ng napakaraming products sa drug store:
1. ALAMIN ANG IYONG SKIN TYPE. Sa halip na bar soap o matatapang na facial wash, gumamit ka ng gentle cleanser sa paghihilamos. Pagkahilamos, ‘wag na ‘wag ka munang mag-a-apply ng kahit anong products sa ‘yong mukha. Hayaan mo lamang ito na kusang matuyo at obserbahan sa loob ng 30 minuto upang ma-determine ang iyong skin type.
Oily skin- kapag naging malagkit o makintab ang iyong mukha
Dry skin - kapag pakiramdam mo ay ang gaspang-gaspang ng iyong mukha
Sensitive skin - kapag naging mapula o iritable ang iyong mukha
Combination skin - kapag ang ibang parte ng mukha mo ay malagkit, magaspang o namumula, kumbaga, nag-combine ‘yung reactions
Normal skin - kapag walang nangyari sa mukha mo
2. SUNSCREEN. Ito ang magsisilbing proteksyon ng ating balat laban sa ultraviolet (UV) rays na nanggagaling sa araw. Inirerekomenda ng mga dermatologist ang paggamit ng SPF 30 hanggang SPF 50. Mas mainam din anila kung may naka-indicate na ‘broad spectrum’ o ‘PA RATING (PA++++)’ sa label ng sunscreen.
3. MOISTURIZER. Gamitin mo ‘yung moisturizer na bagay sa iyong skin type. May iba’t ibang klase ng moisturizer, kaya bago ka bumili ng product ay basahin mo muna ang label o mag-research. Maaari ka ring manood ng product reviews sa YouTube.
4. SERUMS. Nakakatulong ito para mawala ang ating dark spot, acne scars, signs of aging, breakouts atbp.
5. MAGPA-DERMA. Sa tulong ng partner institutes ng Philippine Dermatological Society (PDS), maaari ka nang kumonsulta sa mga dermatologists for free! Mangyari lamang ay bisitahin ang pds.org.ph o ang kanilang Facebook page upang makapag-inquire.
Kung gusto mo talagang ma-achieve ang clear skin, dapat ay maging consistent ka sa pag-i-skin care every day and night. Hindi ito parang magic na porke ginamit mo ‘yung ine-endorse na product ng sikat na artista ay magiging kamukha mo na siya. ‘Wag kang assuming, beshie!
Bonus DIY tips na rin ang pag-steam o paglanghap ng usok mula sa pinakuluang tubig sa loob lima hanggang 10 minuto, dalawang beses kada buwan. Bukod sa naaayos ng steaming ang ating blood circulation ay nakakatulong din ito para mabuksan ang ating pores. Maaari nitong mapalabas ang mga nakatagong whiteheads, black heads, acne, pimple, dead cells at iba pa. Mainam itong gawin matapos mag-exfoliate.
Habang nakabukas ang pores ay madali nitong maa-absorb ang kahit na anong produkto na ipapahid natin sa ‘ting mukha at ‘yun ang crucial part, kaya siguraduhing hiyang sa ‘yo ang mga ia-apply na product.
Matapos mag-steam, puwede kang magbanlaw ng maligamgam na tubig.
Habang ang yelo naman ang magsasara ng bumukas na pores. Siguraduhing nakapag-adjust na sa temperature ang iyong mukha upang hindi ito mabigla sa lamig. Idampi-dampi mo lamang ang yelo sa paligid ng iyong mukha.
Sa huli ay puwede kang mag-apply ng serum, moisturizer o facial mask.
Ilang vloggers, TikTokers and artists na rin ang gumawa at nagrekomenda nito. But again, hindi porke hiyang sa kanila, hiyang din sa ‘yo. Magkakaiba kayo ng balat. Sabi nga nila, “If symptoms persist, consult your doctor.”
Okie?
Comments