top of page
Search
BULGAR

Mga dapat gawin ‘pag tinanggihan ng taxi driver

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 30, 2023


Dear Chief Acosta,


May mga pagkakataon na napipilitan kaming mag-asawa na sumakay ng taxi. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat, maraming taxi drivers ang namimili, tumatanggi sa pasahero. Ang totoo, ilang beses nang nangyari sa amin na tinanggihan kami ng taxi driver sa kadahilanang malayo at/o ma-traffic ang aming destinasyon. Naaayon ba ito sa ating batas? - Jocel


Dear Jocel,


Sang-ayon sa Joint Administrative Order (JAO) No. 2014-01 dated 2 June 2014, na inilabas ng noon ay Department of Transportation and Communication (DOTC), ang “Refusal to render service to the public or convey passenger to destination” o ang pagtanggi sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko o paghahatid ng pasahero sa patutunguhan ay magreresulta sa PhpP5,000.00 hanggang Php15,000.00 na multa at/o pagkansela ng Certificate of Public Conveyance (CPC). Ito ay maituturing na violation sa kanilang prangkisa. Ang bahagi ng nasabing Order ay nagsasaad ng mga sumusunod:


“VIOLATIONS IN CONNECTION WITH FRANCHISE


TYPE OF VIOLATION

PENALTIES


2. Refusal to render service to the public or convey passenger to destination *

1st Offense – fine of P5,000.00


2nd Offense – fine of P10,000.00 and impounding of unit for thirty (30) days


3rd and subsequent Offenses – fine of P15,000.00 and cancellation of CPC where the unit is authorized


Except in cases of colorum violation, as provided above, the LTFRB, in the application of these fines and penalties, shall count offenses against operators and not against a particular motor vehicle or CPC. Hence, the second offense committed by a different vehicle of the same operator shall be counted as second (2nd) offense and another offense by a third vehicle of the same operator shall be counted as a third (3rd) offense, provided all apprehended vehicles belong to the same CPC.”


Kung kaya, kung mararanasan muli ito, tandaan lamang ang plate number ng taxi, at agad itong i-report sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).


Kung mapapatunayang may paglabag ang operator ng taxi, maaaring mapatawan ng multa, at/o makansela ang CPC kung paulit-ulit ang paglabag.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page