top of page
Search
BULGAR

Mga dapat gawin kung bet mag-travel kahit may COVID-19 pandemic

ni Jersy Sanchez - @Life & Style| June 27, 2021



Ngayong unti-unti nang nagluluwag ng quarantine protocols at travel requirements, for sure, marami na sa inyo ang nagbabalak magbakasyon dahil tiyak na na-miss n’yo ito last year. Agree?


Gayunman, hindi ibig sabihin nito ay basta-basta na lang tayong lalarga dahil may mga bagay tayong dapat tandaan at paghandaan para sa mas safe na travel ganap natin ngayong taon. Kaya ang tanong, anu-ano ang mga ito?


1. PROMO PA MORE. Ngayong unti-unting bumabangon ang sektor ng turismo, tiyak na maraming promo at deals d’yan. Basta mabusisi at matiyaga ka sa paghahanap, tiyak na may matitipid ka. Oks ding sumali sa travel communities o groups sa social media para more chances na makahanap ng promo.


2. CHECKLIST. Para sure na walang makakalimutan sa inyong lakad, mas oks gumawa ng checklist ng mga dapat gawin. Anu-ano ang mga dapat ilagay dito? Well, kasama na r’yan ang mga dapat bayaran bago kayo umalis at kung ano ang mga dapat bayaran pagdating. Gayundin, make sure na nakalista ang dapat bilhin o dalhin.


3. PACK WISELY. Tiyaking sapat ang mga dalang damit, gayundin ang personal na mga gamit. Siguraduhin ding dala ang mga kailangang papeles at dokumento tulad medical certificate o travel pass, mga resibo ng paunang bayad, pruweba ng reservation at voucher.


4. EXTRA CASH AT CARD. Bagama’t inaasahan na ang mga gastos tulad ng pagkain, pasalubong, libangan at biglaang gastos, ipinapayo pa ring magdala ng extra na pera upang makasigurong handa sa anumang gastusin. Oks din kung may dalang debit o credit card na puwedeng pagkunan ng panggastos kapag wala nang cash.


5. I-SECURE ANG BAHAY. Kung walang maiiwanan sa inyo, siguraduing secured ang inyong bahay bago kayo umalis. Puwede ring ibilin sa kamag-anak o pinagkakatiwalaang kapitbahay ang inyong bahay.


Mga beshies, sabayan ng doble-ingat ang ating bakasyon o travel dahil hindi natin dapat kalimutan na may virus pa rin sa paligid.


Isa pang paalala, palagi tayong sumunod sa mga umiiral na minimum health standards tulad ng pagsusuot ng facemask at face shield, tamang social distancing at pagiging tapat sa health declaration bilang pag-iingat sa COVID-19.


Kaya para sa mga ka-BULGAR nating ready to travel, ‘wag n’yong kalimutan ang tips na ito, okie? Stay safe!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page