ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | July 24, 2024
Dear Maestro,
Isa akong Pisces na isinilang noong March 6, 1995, at ang ex-boyfriend ko naman ay isinilang noong September 16, 1994.
Ayon sa nabasa ko, compatible ang zodiac sign namin, pero bakit naghiwalay pa rin kami? Nanghihinayang ako, tatlong taon din ang pinagsamahan namin at akala ko talaga ay kami na ang itinadhana ng Maykapal.
Ano ang masasabi n’yo, magkakabalikan pa kaya kami? Kung halimbawang hindi na kami magkabalikan, ano’ng taon kaya muli ako magkaka-boyfriend at may posibilidad pa kaya akong makapag-asawa?
Umaasa,
Rizza ng Matictic, Norzagaray, Bulacan
Dear Rizza,
Posibleng hindi na kayo magkabalikan ng boyfriend mo na isinilang noong September 16, 1994, sapagkat ayon sa Oriental Astrology, compatible ang zodiac sign mong Pisces na may elementong tubig o water, sa zodiac sign niyang Virgo na may elementong lupa o earth. Gayunman, mapapansing hindi naman naging tugma ang birth date mong 6 sa birth date niyang 16 o 7, (ang 16 ay 1+6=7). Ang ka-group kasi ng mga taong may birth date na 7 ay silang may birth date na 2, 4, 8 at 1, habang ang ka-group mo naman ay silang under ng series of 3-6-9.
Ayon sa latest survey, ang mga Aquarius na isinilang mula Enero 27 hanggang Pebrero 15, ang pangunahing o kadalasang nabibigo sa pag-ibig, at ang mga Pisces naman na isinilang mula sa ika-3 ng Marso hanggang sa ika-15 ng Marso ang pangalawa sa may pinakamaraming bilang na nabibigo sa larangan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon. Kumbaga, matagal talaga silang nakakatagpo ng isang maligaya at panghabambuhay na pakikipagrelasyon. Mahirap unawain at bigyang dahilan ang ganu’n sitwasyon, pero maaaring dala ng impluwensiya ng magulong Planetang Uranus, Saturno, Mars at Neptune na umiimpluwensiya sa mga taong isinilang sa zodiac sign na Pisces at Aquarius.
Ang masaklap pa rito, Rizza, ayon sa latest survey na binanggit ko, sinasabing ang birth date na 7, 16 at 25, ang ikalawa sa kandidata ng pagtandang dalaga o pagtandang binata. Gayunman, ang pinakamaraming bilang ng mga matatandang dalaga at binata ay silang isinilang sa petsang 6, 15 at 24, na tulad mo.
Kaya sa edad mong 29, samantalahin mo ang paghahanap ng bagong boyfriend na ipapalit mo sa ex-bf mo upang maiwasan ang napipintong pagtandang dalaga.
Muli, magmadali ka sa paghahanap ng magiging boyfriend na pangmatagalan dahil kung hindi ka magmamadali, malamang tumanda kang nag-iisa o walang asawa, katulad ng iba pang mga indibidwal na may birth date na 6, 15 at 24.
Subalit, kung susundin mo ang mga sumusunod na paraan malaki ang pag-asa mo na magka-boyfriend. Ganito ang gawin mo para mahanap mo na agad si ‘the one’: Una, palagi kang magsuot ng kulay na pula, puwede ka ring gumamit at magsuot ng kulay na berde lalo na ngayong 2024.
Ganito ang pagggamit, tuwing sasapit ang petsang 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27, lalo na kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa araw ng Martes, Huwebes at Biyernes, pula ang isuot mong kulay. Habang tuwing sasapit naman ang petsang 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22, 31, 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 8, 17 at 26, berde ang isuot mo, higit lalo kung ang nasabing petsa ay natapat sa araw ng Linggo, Lunes at Sabado. Ang kulay na dilaw ay pupuwede mo ring isuot pamalit sa berde kapag nagsasawa ka na.
Pangalawa, para makapag-asawa at magkaroon ka ng masayang pamilya, dapat kang mamasyal o sumama sa mga outing sa tabing dagat o kaya naman sa mga lugar na malapit sa nature. Kung saan ang nabanggit na mga pook ang magpapabago sa iyo.
Panghuli, alalahanin mong tunay na ka-compatible mo silang isinilang sa zodiac sign na Cancer, Scorpio, Sagittarius, Gemini at kapwa mo Pisces, higit lalo silang may birth date na 3, 12, 21, 30, 9, 18, 27, 6, 15, 24, 4, 13, 22 at 31.
Sa sandaling nasunod mo ang mga simpleng rekomendasyon na inilahad sa itaas, tiyak ang magaganap bibilis ang mga pangyayari, aandar ng mabilis ang kamay sa orasan na nakasabit sa dingding sa taong 2026, sa edad mong 31 pataas, bigla kang magkaka-boyfriend ng lalaking may zodiac sign na Cancer, at ang lalaking ito, ang siya mo na ring mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.
Komentar