top of page
Search
BULGAR

Mga dahilan kung bakit sumasasakit ang tiyan

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | December 11, 2020




Dear Doc. Shane,


Madalas sumasakit ang aking puson kahit wala naman akong buwanang dalaw. Sobrang sakit nito na halos hindi ako makalakad. Ano kaya ang dahilan nito at ano ang maaari kong gawin upang mawala ito? – Eloisa


Sagot


Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit sumasasakit ang tiyan:

  • Hindi natunawan sa kinain

  • Nahihirapan sa pagdumi

  • Nakasagap ng virus na nakaaapekto sa tiyan

  • Dysmenorrhea

  • Pagkalason sa pagkain

  • Allergic sa nakain

  • May hangin sa tiyan

  • Pagkakaroon ng luslos

  • Pagkakaroon ng bato sa apdo

  • Pagkakaroon ng bato sa bato

  • May urinary tract infection o impeksiyon sa daanan ng ihi

  • Acidic

  • May appendicitis

  • Pagkakaroon ng parasites tulad ng bulate sa loob ng tiyan


Narito ang ilan sa mga lunas o gamot sa sakit ng tiyan batay sa dahilan:

  • Kung ang iyong tiyan ay sumasakit dahil sa sobrang acid sa tiyan, ikaw ay bibigyan ng gamot tulad ng antacid.

  • Kung dysmenorrhea ang sanhi, magbibigay ang doktor ng pain reliever.

  • Kung ulcer o impeksiyon ang dahilan ng pananakit tulad ng UTI, maaaring magbigay ang doktor ng mabisang antibiotic para malabanan ang impeksiyon.

  • Kung ito naman ay dahil sa allergy, papayuhan ka ng iyong doktor na umiwas na lamang sa mga pagkaing magdudulot ng matinding pananakit.

  • Sa mga kaso ng appendicitis, luslos, bato sa apdo o bato sa bato, maaaring sumailalim sa operasyon para lubusan nang maalis ang dahilan ng pananakit.


May paraan ba upang maiwasan ang sakit ng tiyan?

  • Uminom ng maraming tubig para makaiwas sa impeksiyon sa daanan ng ihi at kahirapan sa pagdumi.

  • Ugaliin ang paghugas ng mga kamay bago o pagkatapos kumain.

  • Lutuin ng husto ang pagkain.

  • Takpan ang mga natirang pagkain. Initin ito bago ihaing muli. Kung may duda sa pagkain, mas makabubutig itapon na lamang ito.

  • Kumain sa tamang oras, kung ikaw ay nagugutom.

  • Kumain ng sapat lamang sa kaya ng iyong tiyan.

  • Pakuluan ang tubig bago ito inumin, lalo na kung ito ay galing sa poso.

  • Kung may batang inaalagaan, huwag hayaang kumain nang marumi ang mga kamay.

  • Ang pagpurga sa bata upang mailabas ang mga parasite tulad ng bulate ay makatutlong para maiwasan ang pananakit ng tiyan.

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page