ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | January 17, 2021
Dear Doc. Shane,
Dalawang beses na akong nakunan at ‘yung pangatlo ay namatay sa aking sinapupunan. Apat na buwan na ‘yung bata sa loob. Gusto na talaga naming magkaanak ng asawa ko. Magkakaanak pa kaya ako kahit tatlong beses na akong nakunan? Umiinom ako ng vitamins, ito ba ay nakapagpapahina ng hormones sa babae? – Megan
Sagot
Ang nakunan ay tumutukoy sa miscarriage. Sinasabi nating nakunan ang babae kung ang dinadala nito sa kanyang sinapupunan ay nalaglag nang hindi sinasadya bago ang ika-20 linggo ng pagbubuntis (ikalimang buwan). Kadalasan, ang mga sanggol ng nakukunan ay nasa ikatlong buwan.
Kapag ang babae ay nakukunan, siya ay dumaranas din ng labor at pagluwang ng cervix at pananakit sa dakong puson.
Narito ang ilang dahilan kung bakit nakukunan:
Fetus na may taglay ng abnormalities
May sakit ang ina tulad ng alta-presyon, sakit sa puso o bato, diabetes, o sa thyroid
Abnormalidad sa matris at inunan
Kung masyadong gastado (lax) na ang cervix
Matinding kakulangan sa vitamins
Ehersisyong mararahas o matindi
Puwede pa rin namang magkaanak kahit tatlong beses nang nakunan. Walang kaugnayan ang pag-inom ng vitamins sa paghina ng hormonang pambabae.
Nag-eehersisyo man ang lalaki o hindi, tuluy-tuloy ang pagpupundar niya ng sperm cells sa katawan. Sinumang doktor na gynecologist na dalubhasa sa infertility ay puwedeng konsultahin tungkol dito.
Comments