ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | March 15, 2021
Mula sa nakakaligtaang paggawa ng homework hanggang sa nakalimutang combination number ng lockers, marami sa magulang at iba pang guro ang makapagpapatunay na nagiging makakalimutin na ang mga bata ngayon.
Kung minsan ay nakakalimot na ang iyong anak sa kahit bago mo pa man matapos ang iyong sasabihin sa kanya, hindi siya ang maaring masisi tungkol sa bagay na ito. Habang ang responsibilidad na maalala ay nakaatang sa balikat ng isang bata, may ilang mga bagay kung bakit ang isang bata ay mas madaling makalimot kaysa sa isang matanda.
1. HINDI PAGIGING ALERTO O HINDI PAKIKINIG. Habang ang isip ng tao ay naglalakbay anuman ang kanyang edad, ang pagbibigay atensiyon madalas ay napatunayang isang ekstrang pagsubok sa mga kabataan. Ang isang bata ay isinilang na hindi alam kung paano makikinig na mabuti, subalit sa halip ay nahuhubog ang abilidad na gawin ito habang siya ay nagkakaedad. Kung ang anak ay partikular na madalas na maging makakalimutin, magiging matagumpay ka na pag-ibayuhin ang kanyang alaala kung itutuon mo na ehersisyuhin ang kanyang atensiyon na maaring ugat ng kanyang problema. Habang nakikipag-usap sa anak, tiyakin na siya ay nakatingin ng diretso sa iyo. Isa pa, dalasan ang paghinto at tanungin siya na muli niyang ulitin anuman ang iyong sinabi upang matiyak kung nananatili siyang nakikinig sa iyo.
2. HINDI PA UMIIBAYONG MEMORYA NIYA. Kapag ang isang adults ay natuto ng bagong impormasyon, nailalagak ang impormasyon sa ilang piraso lang habang nakapirmi ito sa kanilang alaala, bilang dagdag sa ibang bagay na ito sa halip na lumikha ng bagong impormasyon. Halimbawa kapag ang isang adult ay natuto kung gaano karaming pagkain ang kailangan ng isang kuneho para mabuhay, ilalagay niya ang naturang impormasyon sa iba pang kaalaman hinggil sa kuneho o kaalaman hinggil sa mga hayop at pagkain. Dahil ang mga bagay na iyan ang nagpupuno na sa kanilang alaala, kaya ang pagsagap ng bagong impormasyon sa bagong kategorya ay higit na nakaka-challenge para sa kanila, madalas na humahantong sa pagiging makakalimutin.
3. KAKULANGAN SA PARAAN NG PAGMEMORYA. Habang nagkakaedad ang tao, natututunan nila ang mga paraan kung paano makaalala. Halimbawa sa kanilang pag-aaral, ang isang teenager ay nalalaman na ang mnemonics ay may pakinabang para sa kanya at bilang resulta, gumagamit ng paraan tulad ng alliteration, rhyming pagsasama ng mga salita at color coding para makaalala ng mga bagay. Dahil ang mga bata ay hindi pa natutunan ang anumang tricks na ganito, wala silang tools para matulungan ang sarili na makaalala.
4. ANG TRAUMATIC BRAIN INJURY. Habang normal ang pagiging malilimutin, ang ilang bata ay nakadaranas nang higit na pagkalimot kaysa sa ibang bata dahil na rin sa resulta ng injury. Sa isang KidsHealth reports, ang traumatic brain injury sa mga bata ay maaaring pangunahing dahilan ng pagiging makakalimutin. Ang mga brain injuries ay buhat sa car accident o major traumas na nangyayari rin sa isang aksidente sa sports na kanyang naranasan lalo na kapag masama ang kanyang pagkabagsak o nabagok ang ulo. Kung ang pagiging makakalimutin ng isang bata ay bigla na lang nangyari, ipasuri siya sa doktor para sa concussion.
Comentarios