top of page
Search

Madlang pipol, maging wais daw sa iboboto… “MGA CONG. AT SENADOR, TRABAHONG GUMAWA NG BATAS, ‘DI MAGBIGAY NG AYUDA” — VICE GANDA

BULGAR

ni Lucille Galon @Special Article | Mar. 8, 2025



Photo: Vice Ganda - Instagram


May sey si Meme Vice Ganda tungkol sa mahalagang papel ng Kongreso ng Pilipinas, kung saan hinikayat niya ang mga botante na pumili ng mga kandidato para sa Senado at Kongreso na may sapat na kaalaman sa paggawa ng mga batas na makikinabang ang lahat, ‘yung hindi lang basta mga namimigay ng pera tuwing eleksiyon.


Sa isang episode ng It’s Showtime (IS), pinangunahan ni Vice Ganda ang kanyang mga co-hosts sa pagtatanong sa mga audience tungkol sa mga kasalukuyang isyu. Ang mga makakasagot nang tama ay bibigyan ng P2,000.


Isa sa mga tanong ay kung alin sa tatlong sangay ng gobyerno na executive, legislative at judiciary ang may responsibilidad sa paggawa ng batas. 


Tama naman ang naisagot dahil “legislative” ang ibinigay ng audience. Ipinaalala ni Vice Ganda na ang pangunahing tungkulin ng legislative ay ang paggawa ng batas, hindi ang pamimigay ng financial assistance.


“Legislative. ‘Yan ‘yung branch ng Kongreso at saka ng Senado. Ang trabaho talaga nila ay gumawa ng batas. Kaya ang dapat na iboto natin ay 'yung gagawa ng batas, 'yung may alam na gawing batas, at may planong gumawa ng batas,” ani Vice Ganda.


“Ang Kongreso at Senado, ang ginagawa po n’yan talaga ay gumagawa ng batas- hindi nagbibigay ng ayuda, okey? ‘Yun talaga ang pangunahing trabaho nila, law making. Kaya dapat, gagawa sila ng batas, hindi mamimigay sila ng pera,” dagdag pa ng host.


Well, si Vice Ganda ay isa sa mga celebrity top taxpayers nu’ng 2024, at may pahayag din siya ukol dito.


“Karapatan natin na kumuwestiyon at magsalita at bumoses dahil pera po natin ang ginamit doon, kaya lahat po tayo, obligasyon magbayad ng buwis dahil tayo rin naman ang makikinabang d’yan,” pahayag pa ni Vice.


Matatandaang umingay ang isyung ito matapos na isang contestant mula sa Sexy Babe segment ng IS na si Heart Aquino ang nagsabing hindi siya ‘pamilyar’ sa Commission on Elections (Comelec), dahilan para maungkat ang krisis sa edukasyon at pagpapahalaga sa pagboto sa bansa.


 

Aktres, absuwelto sa syndicated estafa…

NERI AT CHITO, IKINASAL ULI



MASAYANG nag-renew ng wedding vows sina Chito Miranda at Neri Naig, higit dalawang buwan matapos nilang ipagdiwang ang kanilang ika-10 anibersaryo ng kasal noong December 2024.


Ibinahagi ni Chito ang mga espesyal na sandali ng kanilang intimate vow renewal sa kanyang Instagram (IG), kasama ang mga larawan at video mula sa kanilang okasyon. 

Mensahe ni Chito kay Neri, “Okey lang na medyo na-delay, ang importante, natuloy. Hindi naman tayo nagmamadali. I'm not going anywhere, at habambuhay naman tayo magsasama. Hinding-hindi kita papabayaan. 


“Happy 10th anniversary, asawa ko. Tag team partners for life.”


Ito ay naganap ilang araw matapos maabsuwelto si Neri sa mga kasong isinampa laban sa kanya. Inakusahan siya ng syndicated estafa at inaresto noong November 2024, kasabay ng iba pang mga kaso laban kay Rufa Mae Quinto at ilang investors ng isang beauty clinic.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page