ni Lolet Abania | May 27, 2022
Pinawalang-bisa na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang polisiya hinggil sa medical insurance requirement para sa mga estudyante na lumahok sa face-to-face classes, isang buwan matapos itong maipatupad, ayon sa Malacañang ngayong Biyernes.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Kris Ablan na sa ilalim ng IATF Resolution 168-B na may petsang Mayo 26 na ini-release noong Mayo 27, binawi na ang kinakailangang medical insurance para sa mga estudyante na kasali sa limited in-person classes.
“Upon the recommendation of the Commission on Higher Education (CHED), Section IV, item “H” of the CHED-DOH Joint Memorandum Circular No. 2021 - 004, pertaining to the medical insurance for students is hereby repealed,” batay sa IATF Resolution.
“The continued implementation of proactive measures and restrictions must be put in place to slow down the surge in COVID-19 cases, stop further spread of variants, buy time for the health system to cope, and to protect more lives,” dagdag ng IATF.
Noong Abril, ang CHED at ang Department of Health (DOH) ay nag-isyu ng isang Joint Memorandum Circular No. 2021 -001 o mga guidelines tungkol sa gradwal na reopening ng mga campuses ng Higher Education Institutions (HEls) para sa limited face-to-face classes habang may pandemya pa ng COVID-19.
Subalit, binatikos ito ng National Union of Students in the Philippines (NUSP) dahil anila, ang naturang polisiya ay magiging pinansiyal na pasanin sa mga estudyante sa halip na tinutulungan sila ng gobyerno sa gitna ng pandemya.
“’Yung financial burden ay napapasa sa individual sa mga estudyante instead of the government answering the budget to provide free medical treatment if ever may nag-positive. Kukuha ka ng barangay certificate of indigency, may bayad din ‘yun.
Kukuha ka ng medical certificate, may bayad din ‘yun. Kukuha ka ng hospital bill na ipe-present mo saka ‘yung form, siyempre, may mga bayad siya,” sabi ni Jandeil Roperos, national president ng NUSP.
Comments