top of page
Search
BULGAR

Mga borders, posibleng buksan sa mga dayuhang turista sa Abril — DOT

ni Lolet Abania | March 10, 2022



Posibleng mabuksan na ang mga borders para sa lahat ng mga dayuhang turista sa Abril, kung saan sa kasalukuyan ay tumatanggap lamang ang Pilipinas ng mga biyaherong mula sa visa-free na mga bansa, ayon sa Department of Tourism (DOT).


Sinabi ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat, tiwala ang ahensiya na aaprubahan ng gobyerno ang panukalang tumanggap na ng mga foreign tourists mula sa lahat ng mga bansa sa susunod na buwan.


“So far we’ve been doing well so we hope to open to all countries by April,” sabi ni Puyat sa isang interview ngayong Huwebes.


Ayon kay Puyat, sinimulan ng Pilipinas na magpapasok ng mga turista mula sa 157 visa-free countries noong nakaraang buwan at noon din ay nakatanggap na ng 73,178 tourist arrivals mula Pebrero 10 hanggang Marso 8, na sadya ring “surprising” o nakagugulat dahil inaasahan sanang dumating ang mga ito sa Hunyo.


“The reason why we started with visa-free countries was this was also the recommendation of the DFA [Department of Foreign Affairs]. They wanted to say ‘yung paunti-unti muna,” saad ni Puyat.


“They told us that they are ready to accept also, kasi they have to open the consular services all over the world so we hope that it will be approved and we will be able to accept by April,” anang opisyal.


Aniya, karamihan sa mga turista ay nagmula sa United States, Canada, Korea, Australia, Japan, Germany, at Vietnam. Ang mga foreign tourists mula sa visa-free countries ay required na magprisinta ng isang negative COVID-19 RT-PCR test result na kinuha ng 48-oras bago ang kanilang trip, kasama rin ang kanilang proof of vaccination para payagang makapasok sa Pilipinas.


Ayon pa kay Puyat, pinag-iisipan na rin ng gobyerno ang pagpapagaan ng mga requirements at payagan na ang isang negative result ng antigen test na kinuha ng 24-oras bago ang kanilang trip, habang aniya, iyong mga tinamaan na ng COVID-19 ay maaaring magpositibo sa RT-PCR ng hanggang tatlong buwan.


“I think the reopening to foreign tourists more of shows that we are slowly but surely going back to normal,” sabi pa ni Puyat.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page