top of page
Search
BULGAR

Mga bida, super-sipag daw mag-promote… MOVIE NINA JULIA AT JOSHUA, BOX OFFICE

ni Ambet Nabus @Let's See | August 19, 2024


Showbiz News
Photo: Julia Barretto / IG

Kumpirmadong big hit ang Un/Happy For You (UFY) nina Julia Barretto at Joshua Garcia. Mula mismo sa aming mga kaibigan at contact sa theater circuits ang nagkumpirmang “malakas” ang UFY kumpara sa lahat ng mga naipalabas na local movies pagkatapos ng MMFF.


Hindi pa naman daw ito umaabot sa daan-daang milyong gross, pero box office pa rin itong matatawag. 


Kaya naman mismong si FDCP Chair Joey Reyes ang nagsabing naging ray of hope nga ang movie ng JoshLia para sa mga susunod pang posibleng mag-hit.


Naging masipag sa pag-promote ang JoshLia kaya’t dapat lang na masuklian ang pagod at effort nila. 


Formula naman ang takbo ng istorya, pero hindi na nga raw ito nag-iilusyon ng mga romansang balikan sa ending. 


Kapwa-mahusay na artista ang dalawa, at kapag gawa ng Star Cinema, sure namang glossy at mataas ang level ng komersiyalismo nito.


So, enjoy the movie and congrats po sa team!


 

Hindi masisisi ni Sen. Robin Padilla kung pati ang asawa niyang si Mariel Rodriguez ay ‘mabastos o bastusin’ sa socmed (social media) dahil na rin sa mga pronouncement at akto nila.


Tama ba naman daw kasing ipagbuyangyangan sa socmed ang mga landian nila na kapwa sila “in heat” o “hot na hot”? 


Kung nang-iinis naman ang layunin nila para pag-usapan, puwes, hayan na nga’t kinukuyog na sila ng negatibong kritisismo.


Hindi naman daw nila puwedeng itanggi na may kinalaman ang landian nila sa isyung ‘marital rape o sexual urge’ na kamakailan nga ay napag-usapan sa Senado via a hearing.


Well, ano pa ba ang bago sa dalawa? Hindi nga ba’t naging parte nga ang socmed nang literal na bumuyangyang ang ‘private part’ ng senador nang minsang mag-live selling si Mariel Rodriguez?


 

Ilag na ilag nga raw si dating Bb. Pilipinas-Universe 1996 Aileen Damiles na pag-usapan ang private life nito, partikular ang tungkol sa kanyang naging buhay-may asawa.

Masyado kasing kontrobersiyal ang buhay-pag-ibig ng dating beauty queen-actress, kaya’t nakiusap daw talaga ito na huwag nang pagpiyestahan ang kuwento.


Sa katatapos lang na launching ng coffee table book na Beauty Ever After, na isa sa mga proyekto ng Binibining Pilipinas Charities, muli ngang nasilayan ang ganda ng tatlo sa mga nag-showbiz ding beauty queens. Nandiyan na nga si Aileen, pati sina Dang Cecilio (Bb. Pilipinas-Universe 1979) at Dindi Gallardo (Bb. Pilipinas-Universe 1993), na tatlo sa may pinakamagagandang mukha.


Absent kasi sina Dindi at Aileen sa 60th anniversary ng Binibining Pilipinas, kaya’t tiniyak ng mga organizers na sa launching ng coffee table book na makadalo sila at makasama ni Dang. 


Lahat ng mga never-seen photos at iba pang celebrated pictures ng mga naging Binibining Pilipinas winners ay makikita sa coffee table book, mula sa mga naunang winners na sina Myrna Panlilio, Vida Doria, Gloria Diaz, Pilar Pilapil, Jennifer Cortez, Joan Santos, Ruffa Gutierrez, at marami pang iba. 


Hmmm... ang mga kontrobersiyal kayang gaya nina Anjanette Abayari, Isabel Lopez, Tetchie Agbayani, at ilan pang naging runners-up at naging showbiz household names ay kasama?



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page