top of page
Search
BULGAR

Mga batang maliit para sa kanilang edad, kailangang tutukan

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | April 7, 2022


Kamakailan lang, inanunsyo ng Department of Science and Technology na binigyan nito ng pondo ang University of the Philippines-Los Baños para sa isang research and development project.


Layunin ng naturang proyekto na saliksikin ang kesong puti para sa potential high-value growth food supplements na tutulong sa pagtugon sa problema ng child stunting.


Umaabot sa P12.3 million ang suportang ibinigay ng DOST-Philippine Health Research and Development.


☻☻☻


Matagal na nating problema ang child stunting sa bansa.


Ayon sa report ng World Bank noong 2021, 29 percent ng mga bata sa Pilipinas, o 1 in 3 children younger than 5 years old, ay stunted o maliit para sa edad nila.


Dagdag pa ng report na panlima ang bansa sa East Asia and Pacific region na may pinakamataas na bilang ng stunting, at nasa top 10 tayo sa buong mundo sa may pinakamataas na bilang ng mga stunted na bata.


Wala rin daw halos naging improvement sa loob ng halos tatlong dekada sa pagbabawas ng bilang ng undernourished na mga bata sa bansa.


Samantala, sinasabi ng Unicef na umaabot sa $4.5 billion o P224 billion kada taon ang losses ng bansa dahil sa undernutrition. At para sa bawat $1 na ini-invest sa nutrition program, makakapag-ipon ang ekonomiya ng $12 sa forgone earnings at health expenditures na sanhi ng undernutrition.


☻☻☻


Malaking investment ang kinakailangan upang matugunan ang child stunting sa bansa.

Ayon sa DOST-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), nasa P6.5 billion ang kailangang pondo ng bansa para matulungan ang 3.64 million stunted children na nasa edad 6 months to 3 years old.


Nanawagan din ang DOST sa private sector at civil society na makipagtulungan sa pagtugon sa child stunting.


Tunay nga namang hindi makakayang tugunang mag-isa ng pamahalaan ang isyung ito. Kaya kinakailangang patuloy na lumikha ng strategic partnerships sa pagitan ng pamahalaan, private sector, civil society, at maging sa mismong mga kababayan natin.

Magiging mas mahalaga rin ang papel ng mga lokal na pamahalaan sa hamong ito dahil sa devolution ng health services kaugnay ng Garcia-Mandanas ruling na nagtatakda ng mas malaking share sa national revenue ng mga local government unit.


Nawa’y magtulungan ang lahat nang masugpo natin ang balakid na ito.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page