top of page
Search
BULGAR

Mga bata, ginagaya ang kanta niyang may mura… "RESPONSIBILIDAD NG MAGULANG 'YAN" — JK

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Oct. 19, 2024



Photo: Juan Karlos - FB


Unang nakilala at nag-hit sa mga kanta ng The Voice Kids Philippines Season 1 third runner-up na si Juan Karlos "JK" Labajo ang Buwan, na nasundan ng Demonyo, Ere, Kasing-Kasing, Shot Puno at marami pang iba.


At sa mga nakarinig na ng ilang kanta ni JK, knows naman nating may ilang part du'n na may "mura", na tinututulan ng ilang magulang lalo't 'pag naririnig na kinakanta ng kanilang mga menor-de-edad na anak.


Kaya sa mediacon para sa first major concert ni JK Labajo sa Mall of Asia Arena on Nov. 29 titled Juan Karlos Live, tinanong namin ang singer-performer kung puwede ba niyang kantahin ang mga songs niyang may "mura" sa MOA?


Sagot ni JK, "It depends kasi there are lot of regulations and rules involved not just from the producers and the team but also the establishment in terms of age. Kasi I'm not entirely sure if the Arena allows a certain age group to go to shows. I don't think minors are allowed? Magse-set ng guidelines. 


"Ako naman, as a performer, as an artist, I only focus on what I can control and what I can handle but as a performer and then put in live settings, I try to be responsible as much as possible and follow along whatever guidelines is set. So if there are gonna be kids in the arena, obviously, we have to keep that on mind."


And when asked kung paano niya hina-handle 'yung criticisms na 'di raw siya good role model ng kabataan dahil nga sa klase ng kanta niya, sey ni JK, "Hindi ko na responsibility 'yung mga responsibility dapat ng magulang kung ano 'yung kino-consume ng mga anak nila. Ganu'n lang kasimple."


Dagdag pa niya, kung iku-crucify daw lahat ng artists na gumagawa ng songs ng tulad ng sa kanya, mawawala ang creativity.


Kaya hindi raw niya babaguhin ang image at style niya dahil lang 'di siya tanggap ng ilan na ganu'n.


"No. Kasi kung gagawin ko 'yung gusto ng lahat, eh, ano pang ginagawa natin? Hindi naman tayo mascot," natawa pang sabi ni JK Labajo.


So, sa mga JK fans d'yan, don't miss Juan Karlos Live sa Nov. 29 sa MOA Arena na produced ng Nathan Studios ng Atayde Family led by Ms. Sylvia Sanchez.


GIGIL na naman ang ilang fans ni Pia Wurtzbach sa inilabas na Top Performing APAC Celebrities by MIV during Paris Fashion Week.


 

Pia, pangatlo lang… 

HEART, NANGUNA SA LAKAS NG HATAK SA MGA ASIAN CELEBS SA PARIS FASHION WEEK


Heart Evangelista

Si Heart Evangelista na naman kasi na tinatawag na Fashion Queen ang itinanghal na Top 1 among Asian celebrities na rumampa sa Paris Fashion Week shows kung media impact value (MIV) ang pag-uusapan.


Sa data na inilabas ng Launchmetrics, ang fashion style icon na si Heart na paborito ng mga designers and fashion houses ay nakakuha ng $10.6 million in MIV para sa kanyang pagrampa sa Louis Vuitton, Loewe and Dior shows.


Pumangalawa sa kanya ang Thai superstar na si Apo Nattawin na nakakuha ng $10.2 million MIV sa attendance nito sa Dior SS25 show.


Habang si Pia na nasa ikatlong puwesto ay nakakuha naman ng $7 million in MIV.

Hindi ito matanggap ng ilang fans ni Pia kaya si Heart pa ang kinukuwestiyon sa pagiging 'legit'.


Nakuuu!!! Sa barangay kayo umapela, char!


 

MALA-Heart Evangelista rin ang peg ng tinanghal na Mrs. Universe Southeast Asia Worldwide 2024 na si Ms. Catherine Muguerza. 


At the age of 56, proud na proud ang Pinay fashion model, painter at interior decorator na nakapagbigay pa siya ng karangalan sa bansa. 



Tulad ni Heart, mahilig ding mag-paint at mag-alaga ng pets si Ms. Catherine na may apat na anak na at isang apo. Pero dahil malalaki na ang mga anak at may kani-kanya nang buhay, ang mga fur babies na lang ang kanyang kasa-kasama sa bahay.


"I recently graced the international Riau Fashion Week in Pekanbaru, Indonesia and was crowned as Brand Ambassadress Queen and was sash by the Indonesian crowd I call my friends…" pagmamalaki nito nang makapanayam namin over the phone.

Abala raw siya ngayon sa kaliwa't kanang pagrampa at ang kanyang advocacy ay… "My advocacy as seasoned women is women empowerment… not because we aged we cannot do more…. I am here to prove that we can still be an inspiration to all. 


"Not only that, we tend to pursue the longed overdue childhood dream of being a beauty queen but to be confident that we still have that beauty within after being a mother and raising our family…"


Dagdag pa niyang pahayag, "I am happier now that I have found myself… the inner me that I hid for a very long time… we aged and sometimes we felt ignored and became invisible not just to others but to our children as well… Aged women wanted to be heard… they wanted their stories to be told and mostly no one’s interested to listen. That is the part where I realized that empowering women, seasoned women like me should be encouraged to find their own self and be happy not just waiting to get old, dried up and eventually passed away alone and lonely… It is a beautiful world out there. It’s God given gift we should flourish."

Sa October 24 ay muling rarampa si Ms. Cath, who’s being managed by Mamu Wheyee Lozada, sa fashion show sa Crown Plaza Hotel. 


"Wherever my journey takes me.. I will keep raising our flag… I am proud to be a Filipino and I am proud to be a Mrs. Queen!" pagtatapos ni Ms. Catherine Muguerza. Sa October 24 ay muling rarampa si Ms. Cath, who’s being managed by Mamu Wheyee Lozada, sa fashion show sa Crown Plaza Hotel. "Wherever my journey takes me.. I will keep raising our flag… I am proud to be a Filipino and I am proud to be a Mrs. Queen!" pagtatapos ni Ms. Catherine Muguerza.


 

BILIB si Tito Boy Abunda sa mga co-hosts niya sa CIA na sina Sen. Alan Peter at Sen. Pia Cayetano, lalo na sa pagsusumikap na ipaliwanag ang mga kumplikadong aspeto ng paggawa ng batas.


Sa episode ng public service program na CIA with BA nu'ng Linggo (Oktubre 13), kinilala ng award-winning host ang kahalagahan ng mga karanasan at kaalaman ng magkapatid na senador na nagbibigay ng lalim sa mga talakayan sa programa.


“Natutuwa ako ‘pag sinasabi ni Ate Pia, ‘Batas ko ‘yan,’” ani Tito Boy at binigyang-diin kung paano nito natutulungan ang mga manonood na maunawaan ang tungkulin ng mga senador sa labas ng mga kilalang Senate investigations. 


Napansin niya na ang kanilang pamamaraan ng pagpapaliwanag ng mga batas, kahit pa sa mga tila simpleng isyu tulad ng mga kaso ng pagkagat ng aso, ay nagpapakita ng kanilang malasakit sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.


Samantala, habang nagbabalik-tanaw sa isa sa mga kasong natalakay sa episode, pinuri ni Tito Boy ang paalala ni Sen. Alan tungkol sa kahalagahan ng agarang pag-aksiyon sa maliliit na problema upang hindi ito lumaki at lumala.


Ang CIA with BA ay umeere tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA-7, na may replay sa GTV sa susunod na Sabado, 10:30 p.m.

Commenti


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page