ni Janiz Navida @Showbiz Special | Feb. 23, 2025
Photo: Erwin Tulfo - FB
Mukhang nagmamadali ang mga senatorial candidates ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa ginanap na mediacon nila last Tuesday (Feb. 18) sa Citadines Hotel sa Pasay kaya hindi na namin nakapanayam nang one-on-one ang iba pang kandidato sa upcoming elections maliban kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao.
Kaya naman ang campaign manager na lang ng Alyansa na si Navotas Cong. Toby Tiangco ang tinanong namin kung paano hina-handle ng kanilang team kapag may mga kontrobersiyang ipinupukol sa mga kandidato ng kanilang partido.
Tulad na lang ng senatorial candidate na si Erwin Tulfo na bukod sa political dynasty ay sinisilipan din sa issue ng kanyang US citizenship.
Sagot ni Cong. Toby, “That's not an election issue, that's a legal issue, so why will he even have to answer it, ‘di ba? It's up to his lawyers to answer the legal issue. It's not an election issue so I don't think he should answer.”
Dagdag pa nito, “Ang sa akin, sagutin na lang ng kanilang mga abogado, ‘di ba? Pero ‘yung kandidato should not be bothered or destructed tungkol sa issue.”
Ang dapat daw na sinasagot ng mga kandidato ay ang kanilang mga nagawa na at balak pa lang gawin kung bakit sila tumatakbo.
So, ayun, klaro?!
‘Di maganda ‘yan, late sa show time…
DANCER-TV HOST, ‘DI PA SUPER-SIKAT, FEELING VIP NA, FIESTA, 3 ½ ORAS NA-DELAY DAHIL SA PAGPAPA-MAKEUP NIYA
BLIND ITEM:
BAD trip, imbiyerna at “never again” ang hirit ng mga organizers ng town fiesta sa isang probinsiya sa North sa ‘di pa naman sobrang sikat na female dancer-TV host pero nag-a-attitude na.
Nai-chika ng aming source na sa isang show sa town fiesta just recently, naimbitahan ang dancer-TV host para mag-perform.
Eight o'clock ng gabi ang start ng show at 6 PM ang call time sa dancer-TV host na galing pa ng Manila. Dumating naman ito ng exactly 6 PM, pero ang siste, hindi pa nakapagpa-makeup, ayos ng buhok at kahit nagbihis man lang.
Heto na, bago mag-8 PM, kinatok na siya ng staff at pinatatawag na para makapag-start na ang show. Ang sagot ng dancer-TV host, “Wait lang!”
Maya-maya, kinatok uli siya pero “Wait lang” pa rin ang drama niya hanggang hellooo…9:30 PM na nakapag-start ang show sa kahihintay sa kanya.
At nang lumabas ang dancer-TV host, simpleng makeup, kulot ng buhok at blouse and shorts lang naman ang outfit nito sa kanyang song number.
Naloka ang mga organizers lalo't inabot nang madaling-araw ang show sa kahihintay sa kanya.
Jusko!!! ‘Di maganda ‘yan, late siya sa show time, ‘no?
Game sa serye ni Coco, pero…
JANICE, TODO-IWAS PA RIN KAY JOHN
MARAMI raw mami-miss si Janice de Belen kina Sharon Cuneta at Julia Montes na nakasama niya sa Saving Grace, na bagama't tapos na silang mag-taping, mapapanood ang extended version ng drama series with never-before-seen scenes sa Saving Grace: The Untold Story simula sa March 3, 9:30 PM on Kapamilya Channel, A2Z at TV5.
Kuwento ni Janice nang maka-one-on-one interview namin after their grand mediacon last Tuesday sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, mami-miss niya ang mga “nakaw na chikahan” nila ni Shawie sa taping dahil bitin daw ang oras ng kuwentuhan nila. Kung ‘di raw kasi siya ang nakasalang sa eksena ay si Mega naman kaya wala talaga silang mahabang kuwentuhan.
Kaya nga wish nilang pareho, magkakuwentuhan sila nang mahabang oras na ‘di sila nagwo-work.
Marami raw silang similarities ni Sharon like hilig sa pagluluto, sa pagkain, sa dogs at K-drama.
After Saving Grace, wala pa raw kasunod na serye si Janice at waiting pa siya.
Kaya tanong namin, “Pa'no kung alukin ka sa Batang Quiapo?”
Sagot niyang napangiti, “Let's see.”
Biniro namin siyang parang may laman ‘yung kanyang “Let's see”. As we all know, nasa seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin ang kanyang ex-husband na si John Estrada.
Natawang sagot nito, “Ikaw lang nagbigay ng laman du'n, ate, ha?”
At nu'ng tanungin nga namin siya kung ready na siyang makasama sa serye si John, honest na sagot nito, “There are so many ways, ‘di naman namin kailangang magkita.”
At ‘pag si Coco na raw ang nag-imbita sa kanya, medyo mahirap daw tanggihan ang aktor, bukod sa inamin ni Janice na nanonood din siya ng Batang Quiapo at love raw niya ang seryeng ito bukod siyempre sa Saving Grace na pinagbibidahan nila nina Julia Montes, Sharon Cuneta at Sam Milby.
Kasama rin dito sina Jennica Garcia, Christian Bables, Elise Joson, Eric Fructuoso at Zia Grace.
Tutukan ang extended version ng Saving Grace: The Untold Story simula sa Lunes, March 3, sa direksiyon nina FM Reyes at Dolly Dulu.
Comentários