top of page
Search

Mga banat sa komedyante, planado lang daw…

BULGAR

HIRIT NI DONITA: MISIS, MINAMANYAK NA PALA, TUMAGAL PA KAY TEKLA!

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 23, 2020




Maraming na-shocked nang ipa-Tulfo ng kanyang live-in partner ang comedian na si Super Tekla (Romeo Librada in real life) at inakusahan ng pangre-rape, harassment, atbp..


Apat na taon na nagsama si Tekla at ang GF niyang si Michelle Bana-ag. Meron silang 3 months old na anak, si Baby Angelo.


Sa interview ni Michelle na lumabas sa programa ni Raffy Tulfo sa TV5, nilinaw niyang hindi na nagdodroga si Tekla since last year pa at nagbago na ito.


Sa panayam naman ni Tulfo sa komedyante ring bespren ni Tekla na si Donita Nose, nabanggit ng huli na kasama nina Tekla at Michelle sa condo ang mga pamangkin ng babae at si Tekla ang bumubuhay sa kanilang lahat.


Matagal nang kakilala-kaibigan ni Donita Nose si Tekla dahil matagal niyang nakasama sa mga comedy bars. Naging co-hosts din sila ni Willie Revillame sa Wowowin, kaya kilalang-kilala niya ang ugali ni Tekla at naniniwala siyang hindi nito magagawa ang mga sinasabi ni Michelle.


Ang punto pa ni Donita Nose, bakit tumagal si Michelle nang apat na taon sa piling ni Tekla kung siya pala ay binabastos at pinupuwersang makipag-sex? Dapat, buwan pa lang na ganito ang sitwasyon ay nilayasan na niya kaagad si Tekla.


Diretsahan ding tinanong ni Donita Nose si Tekla kung totoong nagawa niya 'yun sa ka-live-in at itinanggi raw ito ng kaibigan!


Ayon pa kay Donita Nose, matagal na niyang sinasabihan si Tekla na hiwalayan na si Michelle dahil hindi sila nagkakasundo, pero sadyang mahal na mahal daw ni Tekla ang ka-live-in at ang anak nilang si Baby Angelo kaya hindi niya magawang humiwalay.


Ang punto pa ni Donita Nose, kung talagang manyakis at masama ang ugali ni Tekla, dapat noon pa ay nilayasan na ni Michelle. Bakit nagtiis pa ito nang matagal sa piling ng komedyante?


At noon daw magbuntis si Michelle kay Baby Angelo ay gumagamit pa rin ito ng droga, umiinom at naninigarilyo kaya nagkaroon ng diperensiya ang baby nang isilang.


Ang pagsusumbong ni Michelle kay Raffy Tulfo ay suportado ng video. Pero para sa ilang nagmamalasakit kay Tekla ay mukhang planted at planado talaga ang video.


Kung makikipaghiwalay na si Michelle kay Tekla, handa naman ang comedian na suportahan ang kanilang anak. Pero ngayong dinurug-durog na ni Michelle ang imahe ni Tekla sa publiko, may career pa ba ito na puwede niyang pagkakitaan?


Naisip ba munang mabuti ni Michelle ang magiging epekto ng kanyang expose’ sa buhay ni Tekla?


Samantala, pakiusap naman ni Donita Nose sa mga netizens na namba-bash at humuhusga agad kay Tekla ay pakinggan at timbangin din muna ang side ng komedyante. 'Wag basta maging judgmental. Tao lang naman na nagkakamali si Tekla, puwede namang bigyan ng chance na magbago kung talagang may pagkukulang na nagawa.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page