top of page
Search
BULGAR

MGA BAHO NI HEART, INILALABAS NG GLAM TEAM

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 29, 2023




Still on Heart Evangelista, kasabay ng balita sa kanyang pamamayagpag sa fashion world ay may intriga namang lumabas tungkol sa paghihiwalay nila ng glam team niya. At kung anu-ano na nga ang lumalabas na dahilan ng hiwalayan.


Ang alam namin ay matagal ding nakasama ni Heart ang kanyang glam team kaya nakakalungkot na humantong sila sa hiwalayan and worse, kung anu-ano pang hindi magagandang kaakibat na issue ang dala nito.


Maraming mga naglalabasang ‘di kanais-nais na kuwento sa dalawang kampo at hindi ito magandang pakinggan dahil nga medyo personal na ang mga atake ng magkabilang panig.


Kung kami ang tatanungin, mas maganda sanang manahimik na lang ang magkabilang kampo at panatilihing professional ang kanilang paghihiwalay. Kung ayaw na nilang katrabaho ang isa’t isa, maghiwalay na lang sana sila nang maayos at wala nang maraming salitang bibitawan.


Maliit lang ang mundo ng showbiz at kayo’t kayo pa rin ang nagkakasalubong. Kaya mas maganda kung wala tayong iniiwasang tao dahil nakaalitan natin ito.


Isa pang tried and tested na advice, “Don’t bite the hands that feed you” lalo na nga at matagal na panahon kayong nagkasama. At huwag ding magsalita tungkol sa dating kliyente kahit ano pa ang dahilan ng hiwalayan, maganda man o pangit.


In the long run ay hindi rin magiging maganda ang pagtingin sa inyo ng ibang tao dahil lumalabas na backstabber kayo at baka hindi na rin kayo kunin ng iba dahil natatakot na baka gawin n’yo rin ‘yan sa kanila.


0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page