top of page
Search
BULGAR

MGA BAGONG HOSTS NG EB!, GAMIT NA GAMIT ANG 'DABARKADS'

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 10, 2023



Kabi-kabila ang paliwanag ngayon ng mga Jalosjos, sa pangunguna ni Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos. Isa-isa nilang ipinaliwanag ang mga isyu sa kanila nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.


Kinontra nito ang mga naging pahayag ng TVJ sa media. Hindi raw ginusto ng mga Jalosjos na mawala sa Eat… Bulaga! ang tumayong mga hosts ng programa sa loob ng 43 years.


Malaki raw ang respeto nila kina Tito Sen, Vic at Joey. Gusto raw nilang isalba ang EB! kaya inaayos nila ang sistema ng nasabing programa.


Pero, iba ang sinasabi ng mga Jalosjos sa kanilang ginagawa at madalas nga ay baligtad pa ang kanilang istorya.


Maging ang mga loyal viewers ng dating Eat… Bulaga! na ilang dekada nang nakasubaybay sa noontime show ay makakapagpatunay na ngayon lang lumabas at umeksena ang mga magkakapatid na Jalosjos.


Sa loob ng mahigit apat na dekada, tumakbo nang maayos ang EB! dahil kay Mr. Tony Tuviera, TVJ at mga Dabarkads.


Bakit ngayon ay biglang sumulpot ang magkakapatid na Jalosjos upang baguhin ang nasabing noontime show?


May sumbat pa nga mula sa kampo ng mga Jalosjos para sa mga hosts at staff ng original na Eat… Bulaga!, kung bakit kina Tito Sen, Vic at Joey sila nagpapasalamat, eh, ang TAPE, Inc. ang nagpapasuweldo sa kanila?!


Well, ang payo naman ng mga netizens sa mga Jalosjos ay ayusin na lang ang bagong EB! at tigilan na ang kanilang mga panunumbat sa TVJ. Mas nagiging nega lang ang kanilang imahe sa publiko.


Pagandahin na lang nila ngayon ang kanilang noontime show. At kung puwede ay tigilan na rin ng mga bagong hosts nila ang paggamit ng “Dabarkads” sa bagong EB!?.


0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page