ni Ambet Nabus @Let's See | July 10, 2023
“Secret muna. For sure, pinaghahandaan din nila 'yan,” ang pakiusap ni TAPE, Inc. President Jon Jalosjos nang hingan namin ito ng konting pasilip para sa nalalapit na 44th anniversary ng Eat… Bulaga! sa July 29.
Basta ang tiniyak sa amin ng nasabing noontime show, sa kanilang bagong slogan na “Tulong at saya,” nila isesentro ang kabuuan ng pagdiriwang.
Sa pangunguna ng G sa Gedli segment ni Yorme Isko Moreno at mga ‘bagong’ portions na kanilang ilulunsad, “We are confident naman po that our new audience will trust us kung ‘di pa man mag-stick sa amin,” ang buong kababaang-loob na dagdag ni Bullet Jalosjos, ang Chief Finance Officer ng TAPE, Inc..
Binibigyan din ng freedom ng Jalosjos brothers at ng produksiyon na maipahayag ng mga hosts gaya nina Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya, Winwyn Marquez at ng kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi ang kanilang mga suggestions para sa show.
“They are also our bridges to this new breed of audience. Mas kabisado nila ang pulso ng mga kagaya nila,” dagdag pa ng ibang staff na nakakuwentuhan namin.
‘Yung ibang usapin umano na ipinaglalaban ng TAPE, Inc. ay ipapaubaya na lang nila sa kanilang legal team.
“That’s the right and proper venue,” susog pa ni Bullet.
Comments