top of page
Search
BULGAR

Mga bagets, bawal uli lumabas

ni Ryan Sison - @Boses | July 21, 2021



Dahil sa banta ng Delta COVID-19 variant sa bansa, nais ng Metro Manila mayors at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na muling pagbawalang ang paglabas ng mga batang edad 5.


Paliwanag ni MMDA Chairman Benhur Abalos, nagbotohan ang mga alkalde at hinihiling sa Inter-Agency Task Force (IATF) na suspindehin ang naturang polisiya sa rehiyon. Dagdag pa ng opisyal, posibleng maging super spreader ang mga bata dahil hindi pa rin nababakunahan ang mga ito.


Sa kasalukuyan, 35 kaso ng Delta variant ang naitala sa bansa, kung saan 11 ang local cases at dalawa sa 11 kaso ang nasa Metro Manila.


Gayunman, nilinaw ng opisyal na handa ang Metro Manila mayros sa Delta variant.


Unang hinikayat ng OCTA Research group ang pamahalaan na muling ipatupad ng bubble policy sa NCR Plus, gayundin ang pagbabawal sa paglabas ng mga menor-de-edad.


Samantala, matatandaang pinayagan ng gobyerno ang mga batang edad 5 pataas na makalabas sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ).


Kung hindi pa maituturing na ligtas ang mga menor-de-edad sa virus, dapat lang na manatili ang mga ito sa kani-kanilang tahanan.


Ang panibagong variant na ito ay mas matindi at kung dededmahin lamang natin, panibago itong problema.


Tutal, ang mga lokal na pamahalaan ang may alam kung anu-ano ang makabubuti sa kani-kanilang nasasakupan, pagbigyan natin ang kanilang hiling dahil para naman ito sa ikabubuti ng nakararami.


‘Ika nga, mas mabuti nang maghigpit ngayon kaysa umabot sa punto na saka lang tayo kikilos kapag malala na ang sitwasyon.

 

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page