ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 7, 2020
Magandang balat ba ang gusto ninyong ma-achieve? Well, narito ang mga bagay na dapat ninyong iwasan para sa dream skin ninyo mga beshy!
1. Chlorine
Knows naman ng marami na ang chlorine ay inilalagay sa mga swimming pool kaya para
maiwasan ang pagkasira ng balat, huwag ugaliin ang labis na pagbababad dito.
2. Pagtulog nang naka-makeup
Prone tayo sa acne kapag natulog tayo nang hindi inalis ang makeup dahil maaari itong
magdulot ng bacterial infections at clogged pores. Gayundin, ang mga nadikit na makeup sa bed sheet at unan ay maaaring magdulot ng hindi magandang epekto sa ating kalusugan. Kaya beshy, ugaliin ang paghihilamos at pagtanggal ng makeup bago
matulog.
3. Pag-inom ng kape
Awts, coffee lovers out there! Mayroong antioxidant compound ang kape ngunit ang
labis na pag-inom nito ay nakakapagdulot ng fluid loss na maaaring humantong sa
dehydration. Ang kakulangan sa fluid ng katawan ay nakakapag-cause ng dry skin at
wrinkles. Kaya inom-inom din ng tubig mga bes!
4. Kakulangan sa pagtulog
Walong oras na pagtulog ang recommended ng mga eksperto, hindi lamang para maging refreshed ang ating hitsura, kundi para rin ma-replenish at ma-rehydrate ang ating balat. Ang kakulangan sa pagtulog ay maaaring magdulot ng dull skin at clogged pores.
5. Madalas na paggamit ng exfoliating products
Ang too often, o over-exfoliating ng balat ay maaaring makasira ng balat dahil maging
ang mga necessary oils na nagme-maintain ng ating natural glow ay natatanggal nito.
Gumamit ng exfoliating products ng isang beses lamang sa isang linggo.
Commentaires