MGA ARTISTA AT PULITIKO, SAMA-SAMA SA BIRTHDAY NI SEN. BONG
- BULGAR
- Sep 25, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 25, 2023

Double celebration ang magaganap ngayon sa buhay ni Sen. Bong Revilla, Jr..
Una, ang kanyang 57th birthday kung saan makakapiling niya ang kanyang asawa't mga anak, kapatid, mga kamag-anak at ganu'n din ang kanyang mga loyal staff.
Isasabay na rin sa selebrasyon ang kanyang 50th anniversary sa showbiz.
Kaya, inimbitahan niya ang lahat ng mga artista at direktor na kanyang nakatrabaho sa telebisyon at pelikula.
Personal na inimbita ni Sen. Bong sina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Robin Padilla at Phillip Salvador. Invited din ang ilang senador na kaibigan niya.
Espesyal ang event kaya magkakaroon ito ng live coverage sa GMA-7 ngayong gabi.
Memorable ang 57th birthday ni Sen. Bong Revilla dahil kasabay din ito ng kanyang pagdiriwang ng ika-5 dekada niya sa showbiz.
Nagtulung-tulong sina Congw. Lani Mercado at mga kapatid ni Sen. Bong para sa paghahanda sa big event na ito.
Para naman sa mga guests na nagnanais magbigay ng gifts (cash) kay Sen. Bong, mapupunta ito sa RRJ Foundation, Inc. na sumusuporta sa scholarship program ng mga underprivileged students.
Comments