top of page
Search
BULGAR

Mga aplikante ng Binibining Pilipinas dapat fully vaccinated kontra COVID-19

ni Jasmin Joy Evangelista | February 7, 2022



Umpisa na muli ang pageant season sa paghahanap ng Binibining Pilipinas Charities Inc. at Miss Universe Philippines ng mga bagong reyna.


Sa February 15 ang deadline sa pag-apply para sa Miss Universe Philippines.


Isa sa mga requirement para mag-apply ay dapat fully vaccinated na laban sa COVID-19 ang nagnanais maging kandidata.


Sinabi ni Gines Enriquez ng Bb. Pilipinas Charities na sila ay mahigpit na susunod sa health protocols.


“Official contestants and everyone involved in the pageant must be fully vaccinated at least 14 days prior to the kickoff of events for the competition,” ani Enriquez. “We will adhere to the policies set by the LGU/IATF.”


Magsisimula naman sa Marso ang screening ng mga aplikante para sa Bb. Pilipinas.

Flores de Mayo parade ang magiging opening salvo ng pageant na gaganapin sa Araneta City sa Mayo at susundan ng pre-pageant activities at charity work.


Sa July 2022 nakatakdang ganapin ang coronation para sa apat na crowns — Bb. Pilipinas International, Globe, Intercontinental, and Grand International.


Samantala, kukumpirmahin pa ng organisasyon kung may madadagdag na Bb. Pilipinas crown.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page