ni Jasmin Joy Evangelista | October 31, 2021
Kani-kaniyang gawa ng paraan ang mga residente at negosyo sa Maynila na apektado ng Maynilad water shortage.
Ang ilan ay ibinabalot sa plastic ang mga ginagamit na pinggan para iwas-hugasin.
Gumagamit naman ng disposable spoon and fork ang iba pero may dagdag-bayad para sa mga kostumer.
Tipid na tipid naman sa paggamit ng tubig ang mga nasa bahay para mapagkasya ang nakaimbak.
Noong Lunes pa raw ramdam ng mga residente ang paghina ng tulo hanggang tuluyan nang mawalan ng tubig.
Tinatayang 3 milyong customer ng Maynilad ang apektado ng water interruption na magtatagal hanggang bukas.
Kabilang sa mga lugar na apektado ay ang Maynila, Pasay, Makati, Parañaque, Las Piñas, at ilang lugar gaya ng Cavite City, Bacoor, Imus, Kawit, Noveleta at Rosario.
Matatandaang inianunsuyo ng Maynilad na dahil ito sa ginagawang pipe realignment sa kahabaan ng Sobriedad sa Sampaloc.
Mayroon namang 65 water tankers ang Maynilad na umiikot para mag-supply ng tubig sa mga apektadong residente at mayroon ding 16 stationary water tanks na maaaring pagkuhanan ng malinis na tubig.
Komentar