top of page
Search
BULGAR

Mga ahensyang may pananagutan sa flood control, tengang kawali

ni Bong Revilla @Anak ng Teteng | Nov. 4, 2024



Anak ng Teteng ni Bong Revilla Jr.

Sa panahon ng Halloween, kabi-kabila ang party hindi lang ng mga bata kundi maging ang mga matatanda na nakasuot ng costume. At pagkatapos ng mga okasyong ito ay ginugunita naman natin ang Araw ng mga Patay.


Hindi lamang sa Pilipinas ipinagdiriwang ang Araw ng mga Patay dahil halos buong mundo ang naghahanda para sa paggunita na ito.


Tinatawag ding Feast of All Saints ang Araw ng mga Patay, at ipinagdiriwang hindi lamang ng mga Katoliko kundi maging ng iba’t ibang relihiyon.


Unang-unang naitala ang pagdiriwang nito noong early 4th century. Pero noong 7th century lamang ito talagang sinimulang isineselebra taun-taon sa ilalim ni Pope Boniface IV noong May 13, 609 AD. 


Ngunit sa panahon ni Pope Gregory III ay ginawang holiday ang All Saints’ Day noong mid-8th century at inilipat ito sa November 1.


Nakaugaliang nagbabasa ng Beatitudes, eight blessings recounted in Jesus’ sermon sa Gospel ng Matthew ang ginagawa sa araw na ito. Kasabay nito ay marami naman ang nag-iiwan ng bulaklak at kandila sa puntod ng mga yumao nilang kaanak.


Ito ay nagsimula bilang pagdiriwang ng mga Katoliko, kung kailan bumibisita sila sa libingan ng kanilang namaalam na kamag-anak at kaibigan. 


Ipinagdarasal nila na ang mga kaluluwa ng namatay na makaalis sa purgatoryo at makaabot sa langit. Purgatoryo ang tawag sa lugar ng mga kaluluwa na wala pa sa perpektong kalagayan. 


Ang mga Katoliko ay nagdarasal na makaalis ang mga kaluluwa sa purgatoryo at makapapasok sa langit upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. 

Dito na nakasanayan ng mga bumibisita sa sementeryo na mag-alay ng mga bulaklak at nakasinding kandila sa puntod ng mga nakahimlay.


Ngunit bago ko naintindihan ang Araw ng mga Patay ay madalas kong iniisip ang Halloween at pilit kong inaalam kung may iba pa bang kahulugan ang mga selebrasyon nito.


Hanggang sa kasalukuyan ay napakarami pa ring Pilipino ang hindi naman naiintindihan kung paano talaga ginugunita ng tama ang Araw ng mga Patay.


Ngunit naging bahagi na ito ng ating kultura at marami na ang ipinagdiwang ang Araw ng mga Patay dahil gaya-gaya lang.


Pero alam n’yo ba na ang Araw ng mga Patay ay ikatlo sa pinakamahalaga at labis na ipinagdiriwang na holiday sa Pilipinas bukod sa Pasko?


Sa panahong ito ng Undas ay marami sa ating mga kababayan ang naglalaan talaga ng panahon para sa Araw ng mga Patay — may mga bumibiyahe pa ng malalayong probinsya basta’t magunita lamang ang naturang mga araw.


May mga kababayan pa tayong buong magdamag na nagpapalipas sa mga sementeryo at hinihintay ang pag-ikot ng mga pari na nagwiwisik ng holy water para sa pagbabasbas.


Ganyan natin ginugunita ang Araw ng mga Patay, at hindi pinapayagan ang mga nag-iinuman at nagsusugal sa mga sementeryo kaya nga libu-libong kaanib ng pulisya ang ikinakalat para bantayan lamang ang katahimikan ng buong pagdiriwang.


Anak ng Teteng!

 

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ANAK NG TETENG! ni BONG REVILLA sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa anak­ng­teteng.bulgar@ gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page