top of page
Search
BULGAR

Mga aberya, ‘di na dapat maulit sa susunod na halalan

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | May 11, 2022


Tapos na ang botohan pero ongoing pa ngayon ang bilangan ng balota. Sa kabuuan, masasabi natin na okay naman ang naging takbo ng halalan.


Pero sa kabila n’yan, marami pa ring nakalusot na aberya. Kabilang na nga rito ang pagkasira ng mga Vote Counting Machine sa maraming lugar, pero mabuti naman at maagap din naman ang ating mga kasamahan sa Commission on Elections at nagawan nila ng remedyo o paraan.


May nai-report din na nagsubo sa VCM ng balota, pero paglabas ng resibo, iba ang lumabas na pangalan sa kanilang ibinoto. Santisima bakit kaya? Ayon naman daw sa Comelec eh wala namang matibay na ebidensya ang mga nagsasabi n’yan, hay naku.


May ilan ding karahasang nangyari kung saan merong namatay na guro, ilang mga sekyu na nasugatan. Pero sabagay, isolated cases lang naman ‘yan ayon nga sa ating kapulisan.


May mangilan-ngilan ding naranasang maagang brownout, pero naibalik din naman daw agad ang suplay ng kuryente. Alam naman ninyo na allergic tayong mga Pinoy kapag may brownout, eh iba na ang iniisip ng karamihan, na walang iba kundi ang dudang may magic o pandaraya na nagaganap di bah?


Sa ating Overseas Absentee Voting naman ‘yung mga nasa abroad, eh napakababa ng mga bumoto, eh tingnan natin bakit nga ba Lunes at Huwebes lang ginawa ang botohan na inireklamo rin ng maraming OFWs natin dahil meron nga daw silang mga trabaho kaya ‘di nakaboto.


Sa gitna ng samu’t saring aberyang ‘yan, kahit pa naging maayos ang takbo ng ating halalan sa kabuuan, eh bilang chairman ng Senate Committee on Electoral Reforms and People's Participation, siyempre, IMEEsolusyon ng inyong lingkod eh oras na magbalik-normal na at may sesyon na sa Senado, atin ‘yang ipabubusisi.


IMEEsolusyon naman natin sa ating OFWs na mababa ang turn-out ng boto, hahanapan natin ng paraan kung paano mabibigyan sila ng kumbinyenteng panahon ng pagboto at maiwasan din ang iba pang mga aberya at kalituhang na-engkuwentro.


Iisa-isahin natin ang mga aberyang ‘yan, para sa mga susunod nating eleksyon eh maplantsa na nang tuluyan at mas maging makinis pa o maayos ang takbo ng ating halalan.


Pagtulungan natin na maisaayos ang mga naging butas sa ating halalan, hindi para manisi o magdiin ng sinumang tao o grupo kundi para maresolbahan natin para sa susunod na eleksyon, hindi na ito mangyari pa ulit. Agree?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page