ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 25, 2021
Positibo sa COVID-19 ang 67-year-old Mexican president na si Andres Manuel Lopez Obrador.
Pahayag ni Lopez Obrador, "I regret to inform you that I am infected with COVID-19. The symptoms are mild but I am already undergoing medical treatment.
"As always, I am optimistic.”
Siniguro naman ni Lopez Obrador na tuloy pa rin ang kanyang pagseserbisyo sa presidential palace at inatasan ang interior ministry na maging representante niya sa mga news conferences.
Sa kabuuan ay nakapagtala na ang Mexico ng 1.75 million COVID-19 cases at 149,614 na ang mga nasawi.
Comments