ni Lolet Abania | October 2, 2022
Simula sa Lunes, Oktubre 3, isasara na sa traffic ang Meralco Avenue sa kahabaan ng Ortigas sa Pasig City para magbigay-daan sa konstruksyon ng Metro Manila Subway Project (MMSP), ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Alas-9:00 ng gabi, hindi na madaraanan ng mga motorista ang northbound at southbound lanes, mula sa front section ng Capitol Commons hanggang sa corner ng Shaw Boulevard.
Ayon sa DOTr, “The closure will remain in effect until 2028.”
“On Monday, magkakaroon ng groundbreaking, para masimulan na ang construction sa subway natin, starting dito sa Pasig,” pahayag ni DOTr Secretary Jaime Bautista sa ginanap na press conference matapos ang PAMANA Cooperative general assembly sa Pila, Laguna.
Ayon naman sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang mga PUVs na manggagaling mula sa Meralco Avenue patungong Shaw Boulevard ay maaaring dumaan sa mga sumusunod na ruta:
*Public utility jeepneys (PUJs) can take Captain Henry Javier St. to Danny Floro St. and vice versa.
*Modernized jeepneys will be rerouted to Dona Julia Vargas Avenue to San Miguel Avenue and vice versa.
*UV Express vehicles, can pass Dona Julia Vargas Avenue to San Miguel Avenue or Anda Road to Camino Verde.
Para sa mga pribadong sasakyan, maaari silang dumaan sa kahit saanman sa mga nabanggit na alternatibong ruta.
Tiniyak naman ni Bautista sa publiko na kapag ang subway project ay nagawa na, kakayanin na aniya, natin ang mga magaganap na mga lindol.
“Ito ay Japanese technology. Sa Japan, napaka-dami ng lindol, pero tingnan niyo, napaka-ganda ng subway system. Kami ay natutuwa ang subway system ay kapareho ng ino-operate sa Japan,” sabi pa ni Bautista.
Comments