top of page
Search
BULGAR

Meralco, kinarma sa pang-aabuso sa mga konsiyumer sa gitna ng pandemya

ni Imee Marcos - @Buking | September 4, 2020



Karma! ‘Yan ang nangyari sa Meralco, matapos itong mang-abuso ng mga konsiyumer sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19 pandemic.


Bakit kamo, mga besh? Eh, pagmultahin ba naman sila ng Energy Regulatory Commission ng P19-M dahil sa bill shock. Trulala na mananagot na ang Meralco sa panunuba sa mga konsiyumer!


Nakakapikon naman talaga, biruin n’yo, hirap na hirap na ang ating mga kababayan, maraming nawalan ng trabaho dahil maraming kumpanya ang nagsara, wala nang makain, nagawa pa nitong buwitreng ‘yan na triplehin ang singil sa kuryente gayung nasa kasagsagan tayo ng pandemya! ‘Kalokah!


Bad mood talaga akes, noong ulanin ng netizens ng reklamo ang Meralco dahil sa tripleng singil sa kuryente. Tandang-tanda natin ang mga panahon na ‘yan na may mga kababayan na tayong namamalimos kasi wa’ na ‘anda, wala pang foods dahil mahigpit na mga community quarantine kontra virus. Eh, pagkatapos, bibirahin naman ng Meralco ng tripleng singil sa kuryente?! Juskoday!


At noong mag-alok naman sila ng pautay-utay na bayad, ke gulo-gulo at hindi maintindihan o nalito ang netizens sa sistema. Nagdudulot tuloy lalo ng tensiyon at init ng ulo ng ating mga kababayang mega-struggle na maka-survive sa krisis dahil sa pandemya!


Hindi natin keribels ang apog ng Meralco sa pagiging ganid, grabe to the max! Kaya heto nga, super tuwa tayo dahil si Manang Agnes Devanadera, ERC chair, eh, ‘to the rescue’ sa ating mga kababayan. Binoljak ang Meralco, multa to the max sila, ha-ha-ha! ‘Ika nga ng mga bata, ‘belattt!’


Well, I can say, leksiyon n’yo ‘yan, Meralco. May kasunod pa ang mga ‘yan, kaya pakaiingat kayo, bantay-sarado na namin kayo, matitindi ang aming pang-monitor sa mga panlalamang sa kapwa na kayo ang tiba-tiba. Kaya ano ngayon, Meralco, ulit pa more?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page