top of page
Search
BULGAR

Mental health services, tututukan ng DOH

ni Lolet Abania | November 10, 2022



Nangako ang Department of Health (DOH) na pagbubutihin pa nila ang kanilang mga serbisyo kaugnay sa mental health sa bansa sa pamamagitan ng pagpapalawig ng mga access sa katulad na paglilingkod at pagpapalakas ng mga community-based mental care programs.


Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, stigma at diskriminasyon ang nagiging hadlang sa mga Pilipino para kanilang i-avail ang kailangang mental health services.


“Recognizing these challenges, we have adopted a non-specialized approach to bring mental health services closer to the communities, ensuring that mental health care is available for all life stages in various settings and levels of care,” pahayag ni Vergeire sa isang statement ngayong Huwebes.


Nanawagan naman si Vergeire sa iba pang mga sektor na tulungang maalis ang stigma na ito na bumabalot sa mental health sa bansa.


Nitong Miyerkules, binisita nina Vergeire at iba pang mga health officials ang National Center for Mental Health (NCMH) sa Mandaluyong City para i-check ang mga pasyente at kanilang mga pasilidad, at medical equipment.


Sa kanilang pag-iikot, nakita nilang nagsasagawa ang mga pasyente ng mga produktibong aktibidad gaya ng pagtatahi ng bed sheets at bags, pagtatanim ng mga crops, at paglikha ng mga accessories tulad ng mga bracelet at necklace.


Bukod sa general adult psychiatry, ang NCMH ay mayroon ding child and adolescent psychiatry, forensic psychiatry, women and children protection, at crisis management services.


Ayon kay NCMH medical center chief Dr. Noel Reyes, layon ng psychiatric hospital na ihanda ang mga service users na makarekober at mamuhay bilang isang fully functioning na miyembro ng lipunan.


“We want to remove the impression that patients with mental illnesses are non-recoverable and isolated — here in NCMH we work to help our service users recover and further imbed them with the foundation and resources they need for a full return to their family, friends, and the community,” saad ni Reyes sa isang statement.


Gayundin, nangako ang DOH na kanilang susuportahan ang mas maraming mental health facilities sa buong bansa bilang bahagi ng kanilang pagsisikap na madagdagan ang accessibility ng mga healthcare services.


Binanggit din ni Vergeire ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng research agenda hinggil sa mental health at ang pangangailangan sa dagdag na pondo para sa training ng mga mental health care professionals.



Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page