ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 1, 2020
Papayagan nang lumabas ng bahay ang mga menor-de-edad upang makapunta sa mga malls sa darating na Kapaskuhan basta’t kasama ang magulang, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año. Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang Christmas party at mass gatherings.
Aniya, “Ngayon pong darating na Pasko, ang atin pong mga LGUs at lalo na po ang mga NCR mayors ay nagsisipaghanda para sigurado na mabantayan po natin itong COVID-19.
“Wala pong… katulad po ng plano na hindi po papayagan ang Christmas party, hindi rin papayagan ang Christmas caroling, wala pong mass gathering. ‘Yun pong family reunion ay considered as mass gathering katulad po ng sabi ni Sec. Duque, immediate family na lang sana ang mag-celebrate ng Christmas together at kailangan pong ang minimum health standard ay matutupad.
“Para na rin po sa Kapaskuhan, doon po sa ipinag-utos natin na puwede nang gradual expansion ng mga age group para makalabas, ang mga minors po, basta accompanied ng mga magulang ay papayagang makalabas at makapunta sa mga malls at ito po’y pagtitibayin sa mga ordinansa ng ating mga NCR mayors sa lugar po ng GCQ.”
Comments