ni Lolet Abania | August 31, 2021
Target ng gobyerno na matapos bago mag-Disyembre ang konstruksiyon ng isang memorial wall bilang pagkilala sa mga sakripisyong ginawa ng mga nasawing medical frontliners.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez, Jr., matatagpuan sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City ang memorial wall, kung saan nakasaad ang kabayanihan ng mga doktor, nars at iba pang medical personnel.
“We will do it [for] maybe 41 days or more or less two months or even less than three months. Before December po tatapusin po namin,” ani Galvez sa Cabinet briefing ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinalabas ngayong Martes.
Una nang sinabi ni Galvez na nakikipag-ugnayan na siya kay Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana at iba pang stakeholders para sa disenyo at lokasyon ng naturang memorial.
Pinasalamatan naman ni Pangulong Duterte ang Armed Forces of the Philippines sa suportang ibinigay nila para sa proyekto.
Comments