top of page
Search
BULGAR

Membership sa boy, girl scouts at red cross, boluntaryo.. 'No collection policy' sa iskul

ni Mylene Alfonso @News | September 6, 2023




Isinusulong ni Senador Raffy Tulfo ang panukalang ‘no collection policy’ sa mga pampublikong elementarya at sekondaryang paaralan.


Sa paghahain ng Senate Bill No. 2420, iginiit ni Tulfo na ang mga nag-aaral sa pampublikong paaralan ay mula sa mga pinakamahihirap na pamilya sa bansa at maaaring panghinaan lang sila ng loob na ituloy ang kanilang edukasyon kapag nagpataw pa ng karagdagang bayarin para sa kanila.


Sa ilalim ng SB No. 2420, hindi maaaring kumolekta ng bayad mula sa mga mag-aaral na nag-enroll sa pre-school hanggang Grade IV, sa enrollment period at buong school year.


Para sa mga lampas Grade IV na, walang anumang uri ng koleksyon ang dapat gawin sa panahon ng enrollment at unang buwan ng mga klase. Simula sa ikalawang buwan, ang mga kontribusyon para sa ilang membership lamang ang maaaring kolektahin, ngunit boluntaryo lamang at hindi dapat hilingin. Kabilang dito ang mga boy/girl scouts at red cross membership.


Ang panukalang batas ni Tulfo ay umaayon sa pangako ng bansa sa pagkamit ng Education For All (EFA) Plan 2015 at ang Millennium Development Goals (MDGs), partikular na tungkol sa partisipasyon ng elementarya.



0 comments

Recent Posts

See All

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page