ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 24, 2021
Si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang nagkumpirmang kakandidato si Leyte 4th District Rep. Lucy Torres-Gomez at kasama siya sa senatorial line-up ng National People’s Coalition na inilabas nitong Miyerkules.
Si Congw. Lucy ay miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) kaya maraming nagulat na kasama siya sa tandem nina Sen. Ping Lacson at Senator Tito Sotto na balitang kakandidatong presidente at bise-presidente.
Ayon kay Tito Sen, “I just got the go signal, Congw. Lucy Torres-Gomez will be in our line-up!”
Huling termino na ni Congw. Lucy bilang representative ng 4th District ng Leyte at napanood namin ang vlog ng asawa niyang si Ormoc City Mayor Richard Gomez na gusto niyang tumakbo sa Senado ang asawa para lumawak pa ang matutulungan nito at hindi lang ang kanilang bayan lalo na sa panahon ngayon.
At base naman sa panayam noon kay Congw. Lucy ay interesado naman daw siya noon pa, pero mas pinili niyang tapusin ang termino niya sa Congress.
Aniya, “Kasi hindi siya talaga 'yung… like, I was saying earlier, hindi siya talaga grand plan. Kasi kung pangarap lang, back in 2016 pa lang, I was already asked to run, eh.
“So, in 2019, I was also asked again to run for the Senate. But it was never an ambition or a dream. Ang sa akin lang, if maybe I’m given the opportunity, it’s one of those things that only time can tell.”
At ito na nga siguro ang perfect time, 2022 elections, kaya umoo na si Congw. Lucy kay Sen. Tito.
Comments