ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 28, 2021
Mananatili sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang National Capital Region (NCR) hanggang sa Setyembre 7, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Sabado.
Saad pa ni Roque, “The Inter-Agency Task Force (IATF) retained the MECQ status of the NCR.”
Bukod sa NCR, mananatili rin sa MECQ ang mga sumusunod na lugar sa Luzon: Apayao, Ilocos Norte, Bulacan, Bataan, Cavite, Lucena City, Rizal at Laguna.
Sa Visayas naman, MECQ din ang paiiralin sa mga sumusunod na lugar: Aklan, Iloilo Province, Iloilo City, Lapu-Lapu City, Cebu City, at Mandaue City.
Ang Cagayan de Oro City naman sa Mindanao ay isasailalim din sa MECQ, ayon kay Roque.
Saad pa ni Roque, “This latest community quarantine classification shall take effect beginning September 1 until September 7, 2021, pending a change in community quarantine guidelines.”
Comments