top of page
Search
BULGAR

McDonald’s, idinawit sa 'fried towel' ng Jollibee, nagsalita na


ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 4, 2021



Nagsalita na ang pamunuan ng fastfood chain na McDonald's Philippines sa pagkakadawit ng kanilang pangalan sa fake social media post kaugnay ng kontrobersiyal na ‘fried towel’ ng Jollibee.


Mabilis na nag-viral ang isang social media post na inilabas matapos ang insidente ng fried towel kung saan makikita ang plato ng fried chicken at may caption na “Our competitor threw in the towel” at nakalagay ang logo ng McDonald’s.


Pahayag ni McDonald’s Philippines PR and Communications Senior Manager Adi Timbol-Hernandez, "McDonald’s Philippines did not and would not produce or release any disparaging material against any brand.


"To reiterate, this piece of content was not made by McDonald’s Philippines and was never posted on any of the brand’s digital assets.”


Matatandaang kamakailan ay isang netizen na nagngangalang Alique Perez ang nag-post sa Facebook na um-order siya ng fried chicken sa Jollibee Bonifacio Stop Over branch ngunit ang natanggap niya ay isang ‘deep-fried towel’.


Nang makarating sa pamunuan ng Jollibee, ipinasara ang naturang branch ng 3 araw para maimbestigahan ang insidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page