top of page
Search

McCoy, Irma at 2 pa, tsinugi para may bagong pumasok… ANDREA, JOIN NA RIN SA SERYE NI COCO

BULGAR

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | Jan. 15, 2025



Photo: Ang Batang Quiapo, Coco Martin, Mccoy De Leon at Andrea Brillantes - IG


Bilang na ang mga araw ni McCoy De Leon bilang si David sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) dahil malapit na rin siyang matsugi.


Yes, mamamaalam na ang karakter ni McCoy at halata naman sa itinatakbo ng istorya ng BQ. Inuna lang mawala si Irma Adlawan as Olga na pinatay mismo ni Cherry Pie Picache sa papel na Marites dahil papatayin ang anak niyang si Tanggol (Coco Martin).


Iniisa-isa nang patayin ang mga kalaban ni Coco, at sa pagkakaalam namin ay mawawala na rin si King Gutierrez (Colonel Suarez) at isusunod na rin si Julio Diaz (as General Pacheco).


Kaya nagbabawas si Coco bilang direktor/producer ay dahil maraming papasok na bagong karakter sa pangunguna ni Andrea Brillantes.


Yes, matagal nang bulung-bulungan na makakasama na si Andrea sa BQ na dapat nu’ng isang taon pa pero ‘di natutuloy dahil sa hectic schedule ng aktres at marami rin kasing nangyari sa serye.


Ang tanong, isa rin kayang batang Quiapo ang role ni Andrea? At sino ang makaka-partner niya? 


Sitsit ng taga-Kapamilya, “As of now, wala pang partner, pero ‘pag kinagat si Andrea sa Batang Quiapo, saka s’ya bibigyan ng partner.”


Anyway, sa mga haka-haka na magtatapos na ang BQ ay hindi pa raw, pero hindi naman ito magiging kasingtagal ng FPJ’s Ang Probinsyano (AP) dahil kailangan na rin daw ni Coco Martin bigyan ng panahon ang kanyang buhay-pag-ibig.


 

Pagkalipas ng sampung taon ay muling mapapanood ang Sessionistas sa kanilang reunion concert na Love, Sessionistas: A Pre-Valentine na gaganapin sa The Theater at Solaire sa Pebrero 8.


Ang grupo ay binubuo nina Ice Seguerra, Juris Fernandez, Sitti, Princess Velasco, Kean Cipriano, Duncan Ramos at Nyoy Volante at masaya nilang inanunsiyo sa kanilang mediacon nitong Lunes na soldout na ang February 8 show nila kaya’t ang second night nila ay sa April 4, same venue.


Maraming naka-miss sa Sessionistas na nagsimula sa ASAP, kaya naman abut-abot ang pasalamat ng grupo sa Sunday show ng ABS-CBN dahil du’n nga sila nabuo.


Nabanggit din ni Ice na 2019 pa ay nagpaalam na siya sa mga executives ng ASAP na gagawa sila ng show at approved naman ito, kaso inabot ng COVID-19 pandemic.


Sa pagkakatanda namin ay isa ang segment ng ASAP Sessionistas sa mga inaabangan ng manonood sa nasabing programa kaya naman ilang taon din silang nagtagal sa show.


Sa ginanap na mediacon ay inamin ng grupo na sobrang na-miss nilang magsama-sama ulit, kaya’t looking forward silang lahat sa Pebrero 8 at Abril 4.


Sabi ni Nyoy, “We always inspire each other. There's this weird, like, entity that we become kapag magkakasama kami. You have to see it. When we perform, we become something else.”


Taong 2009 nabuo ang Sessionistas at ayon kay Juris, “Early 2009 na nagsimula ‘yung Sessionistas. What I like about being part of the group is that on and off stage, we are having fun. We support each other, ‘yun ‘yung gusto ko.”


Sa concert ay mapapanood ang segment na Dear Sessionistas na ang bida ay ang mga fans na magse-share ng kanilang love stories o tungkol sa nangyari sa buhay nila at kung ano’ng kanta ang request nila na kakantahin ng grupo.


Mapapakinggan din ang mga unreleased songs nina Ice, Juris, Sitti, Princess, Kean, Duncan at Nyoy sa segment na Sessionistas Now.


Mayroon ding Sessionistas at Home segment kung saan may loyal fans ang grupo na mula simula ay naroon na sila sa buhay ng bawat isa at nasaksihan nila ang lahat ng personal na kaganapan.


At sa The Heart of the SESSIONISTAS, malalaman kung anong klaseng samahan mayroon ang grupo sa personal, career, mga masasayang araw at hindi.


Sey ni Princess, “Alam namin kung kailangan mo ng advice or comfort, or maramdaman lang na ‘andiyan kami para sa ‘yo. These are friendships that I formed na lifelong na.”

“‘Yung wit saka ‘yung humor sa relationship namin is sobrang present. We really come from different genres—so different personalities, different characters as one,” sabi naman ni Duncan.


“Para kaming iba’t ibang mutants na pinagsama-sama. Very humbling ‘yung experience sa Sessionistas kasi alam ko ‘pag sumasalang ako kasama ko sila, ‘di s’ya tungkol sa ‘kin, eh. It’s about the music, it's about the message,” ani Kean.


Ang Love, Sessionistas ay presented by Fire and Ice Entertainment at produced ng Fire and Ice LIVE, in partnership with Profero Aesthetics.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page