ni MC - @Sports | September 23, 2022
Nilinaw ni retired US boxing champion Floyd Mayweather na ikinakasa na nila ang pangalawang paghaharap nila ni UFC star Conor McGregor.
Ayon kay Mayweather, magaganap ang kanilang nilulutong laban sa 2023. Nilinaw din ni Mayweather na ang kanilang pangalawang paghaharap ay isang uri ng exhibition match imbes na actual boxing match.
Kung matatandaan, sa una nilang paghaharap noong 2017, pinatumba ng 45-anyos na si Mayweather ang dating UFC Irish fighter. Nanatiling walang talo si Mayweather mula ng magretiro na may 50 wins at lumaban na ng ilang ulit sa mga exhibition fight.
Aminado naman si McGregor na target nitong lumaban muli sa mixed martial arts matapos ang pagkatalo noon kay Dustin Poirier. Ayon kay UFC President Dana White, target niyang makabalik sa octagon si McGregor hanggang sa katapusan ng taon o sa 2023.
Samantala, matapos parusahan at pagmultahin ng $10M ng NBA ang may-ari ng Phoenix Suns na si Robert Sarver dahil sa akusasyong misogynist at racist, inihayag nito na na ibebenta na niya ang koponan.
Kasunod ng mga parusang ipinataw noong nakaraang linggo, nanawagan si NBA players union chief Tamika Tremaglio na ipagbawal si Sarver habang buhay at idineklara ng mga NBA stars na sina LeBron James at Chris Paul na hindi sapat ang mga parusa.
Sinabi ng major sponsor na PayPal na hindi nito ire-renew ang deal nito sa team kung sangkot pa rin si Sarver at nanawagan si Suns vice chairman Jahm Najafi na magbitiw si Sarver.
Sinabi ni NBA commissioner Adam Silver na hindi niya inaasahan na dahil sa parusa ay ibebenta ni Sarver ang club tulad ng ginawa noon sa dating may-ari ng Los Angeles Clippers na si Donald Sterling dahil sa pagiging racist.
Comments