top of page
Search
BULGAR

Mayor Vico Sotto, negatibo sa test sa COVID-19

ni Lolet Abania | March 15, 2021





Nagnegatibo sa test sa COVID-19 si Pasig City Mayor Vico Sotto.


Sa Twitter post ni Sotto, negatibo ang resulta ng kanyang reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test.


“Negative ang result ng PCR test ko. Negative din ‘yung nakasama namin sa sasakyan,” ayon sa tweet ng alkalde.


Ngayong umaga ng Lunes, inanunsiyo ni Sotto na sumasailalim na siya sa dalawang linggong quarantine matapos na ang kanyang driver na nagpositibo sa COVID-19 ay namatay nitong Sabado, March 13.


Nabanggit din ni Sotto na huli niyang nakita ang kanyang driver noong Miyerkules bago dinala sa ospital na kalaunan ay namatay dahil sa COVID-19.


Ayon pa sa alkalde, mananatili siya sa quarantine hanggang March 24 kahit pa magnegatibo siya sa tests sa coronavirus.


Gayundin, kinansela na niya ang lahat ng kanyang meetings at appointments. Tanging viber, text, zoom at tawag sa telepono ang maaari lamang niyang gawing aktibidades.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page