ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 14, 2024
KABADO NA ANG MGA ANTI-DUTERTE POLITICIAN KASI NAG-TOP SI VP SARA SA PRES’L SURVEY -- Sa latest survey para sa 2028 presidential election na inilabas ng Oculum Research and Analyctic’s ay top si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio sa rating na 25.4%, pangalawa si Sen. Raffy Tulfo sa rating na 18.5% at pangatlo si former Vice Pres. Leni Robredo sa rating na 10.6%.
Dahil sa pag-top na naman ni VP Sara sa presidential survey, hindi man aminin ay tiyak kakaba-kaba na ang mga anti-Duterte politcian kasi alam nila na kapag naging presidente si VP Sara, reresbakan sila ng pamilya Duterte, boom!
XXX
KAPAG HINDI INAYOS NG OCTA RESEARCH ANG SABLAY NILANG SURVEY, BAKA WALA NANG MANIWALA SA KANILA -- Ang pagiging top ni VP Sara sa presidential survey ay pagpapatunay na fake news at fake survey ang isinapubliko ng OCTA Research na bumagsak ng 20% ang rating ni VP Sara at tumaas naman ng 36% ang rating ni Pres. Bongbong Marcos.
‘Ika nga, imposible namang bagsak ang rating ni VP Sara, pero sa presidential survey ay siya naman ang top.
Kapag hindi inayos ng OCTA ang mga sablay nilang survey, baka ang mangyari niyan ay wala nang maniwala sa mga isinasapubliko nilang survey, period!
XXX
PEKE ANG PAGIGING ANTI-CORRUPT NI MAYOR VICO SOTTO? -- Sinampahan ng isang nagngangalang Ethelmart Austria Cruz ng kasong graft sa Office of the Ombudsman sina Pasig City Mayor Vico Sotto, Business Permit and Licensing chief Melanie De Mesa at City Hall Administrator Jeronimo Manzanero na umano’y nagsabwatan para bigyan ng 100% tax discount sa isang telecommunication company.
Dapat iisplika ng mabuti ni Mayor Vico sa kanyang constituents ang isyu tungkol sa kasong iyan kasi kapag dinedma lang niya ‘yan, iisipin ng mga taga-Pasig na peke ang ibinibida niyang siya ay anti-corrupt, boom!
XXX
KAILAN AAKSYON SI MAYOR VICO LABAN SA RAKET NA STL-CON JUETENG SA PASIG CITY? -- Sa isyung Pasig City pa rin, hanggang ngayon ay nagkalat sa lungsod na ito ang mga kubrador ng STL-con jueteng ni “Kits.”
May impormasyon na dead na raw ‘yung ka-partner ni “Kits” na si alyas “Egay” kaya ito (Kits) na lang daw ang may kontrol ng raket na STL-con jueteng sa lungsod.
Kaya ang tanong: Kailan aaksyon si Mayor Vico para ipa-stop ang raket a STL-con jueteng sa Pasig City? Abangan!
Comments