top of page
Search
BULGAR

Mayor Vico humingi ng paumanhin sa naganap na gulo sa pila ng TUPAD program sa Pasig City

ni Jasmin Joy Evangelista | February 23, 2022



Humingi ng paumanhin si Pasig City Mayor Vico Sotto matapos na mauwi sa tulakan, siksikan, at balyahan ang pila sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment sa Rainforest Park at Plaza Bonifacio.


Sa report ng "24 Oras," ang mga aplikante ay nagbabalyahan at nagsisigawan habang nakikiusap ang mga organizers na huwag magtulakan upang maiwasan ang stampede.

Ang ilan ay hindi rin maayos na nakasuot ng face mask.


"Hindi namin inaasahan na ganoon. Sa kadamihan ng tao, nagkatulakan na sila," pahayag ng isang aplikante.


Sa isang pahayag, humingi ng paumanhin si Mayor Vico.


"Ako po ay humihingi ng paumanhin sa panandaliang kaguluhan na nangyari sa dalawang venue ng LGU-TUPAD sign up natin," aniya.


"Ayon sa report ng Peace and Order Department, maayos ang pila noong nag-umpisa ito kaninang umaga. Ngunit sa Plaza Bonifacio ay biglang may sumigaw ng, 'Bara-barangay ang pila!' kaya nagkagulo-gulo ang pilahan. Sa Rainforest Park naman ay may tumulak ng isang gate kaya nag-unahan ang mga tao papasok ng venue noong bumukas ito," dagdag niya.


Ang TUPAD program ay isang community-based package ng tulong kung saan nagbibigay ito ng trabaho para sa mga displaced workers, underemployed, at self employed workers.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page