top of page
Search
BULGAR

Mayor Sara at Buhay Party-list Rep. Atienza, absent sa VP debate — Comelec

ni Lolet Abania | March 20, 2022



Pito lamang mula sa siyam na kandidato sa pagka-bise presidente ang maghaharap sa unang vice presidential debate na sponsored ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Linggo.


Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, kabilang sina Walden Bello, Rizalito David, Manny Lopez, Willie Ong, Francis Pangilinan, Carlos Serapio, at Vicente Sotto III ang nag-commit na dadalo sa una na dalawang vice presidential debates ng Comelec.



Hindi naman inaasahang lalahok sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Buhay Party-list Rep. Lito Atienza sa VP debate.


Si Atienza, na running-mate ni presidential candidate Senador Manny Pacquiao, ay pormal na tumanggi dahil aniya sa medical reasons habang si Duterte-Carpio, na runningmate naman ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay nagpasyang hindi dumalo sa anumang debate kaugnay sa May 9 elections.


Sa kabila ng pagiging absent ng dalawa, nagtakda pa rin ang Comelec ng 9 lecterns onstage, na katumbas sa bilang ng mga kandidato para sa ikalawang pinakamataas na posisyon sa bansa. Bawat VP candidate ay maaaring magdala ng 5 staff members lamang sa venue na magsisilbi bilang miyembro ng audience.


Ayon sa Comelec, mahigit 300 pulis at traffic personnel ang idineploy sa venue sa Pasay City para sa seguridad at pagmo-monitor ng traffic.


Nakatakda naman ang ikalawang vice presidential debate sa Abril 23, kung saan isasagawa ito bilang town hall format. Una nang sinabi ng Comelec na ang mga kandidato na hindi dadalo sa kanilang mga debate ay hindi papayagan na gamitin ang kanilang e-rally platform.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page