ni Lolet Abania | June 7, 2021
Pumanaw na si Mayor Angelo “Roncal” Ortizo Montilla ng Tacurong Sultan Kudarat sa edad 62 dahil sa COVID-19.
Ayon sa statement ng Tacurong local government, naisugod pa sa isang ospital sa General Santos City si Montilla matapos magpositibo sa COVID-19 subalit namatay din ito bandang alas-9:30 kagabi, Hunyo 6.
“Mayor Roncal will be remembered as a tireless leader who sacrificed his life in the name of public service. He is a true son of Tacurong. His legacy will live on,” batay sa statement.
Naging kinatawan si Montilla ng lone district ng Sultan Kudarat mula 1995 hanggang 2004. Taong 2019, nagsilbing alkalde naman siya sa nasabing bayan.
Comments